RMFB15 at KKDAT nanguna sa Bayanihan ng Brigada Eskwela sa Banaue

Sa lalawigan ng Ifugao, ang mga kapulisan ng Banaue MPS at RMFB15 ay nakipagbayanihan kasama ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa pag-aayos ng ilang mga pasilidad ng isang paaralan sa Poblacion, Banaue.

Sa kanilang Brigada Eskwela sa Banaue Central School ay kanilang sinemento ang ilang bahagi ng school ground at hallway upang maiwasan ang pagpuputik nito tuwing umuulan kasabay ang pagkukumpuni sa ilang mga gamit bilang paghahanda sa face-to-face classes at iba pang nalalapit na activities ng paaralan.

Nakitulong din ang mga kapulisan sa pagbubuhat at paghahakot ng mga upuan at ilang mga gamit mula sa mga lumang silid patungo sa mga bagong gawang silid aralan. (PROCOR-PIO)