MAHIGIT P1.6M HALAGA NG ILEGAL NA DROGA NASABAT SA APAYAO AT BENGUET

MAHIGIT P1.6M HALAGA NG ILEGAL NA DROGA NASABAT SA APAYAO AT BENGUET

Sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa ilegal na droga ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), umabot sa PhP1,670,000.00 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa sa lalawigan ng Apayao at Benguet noong ika-16 ng Mayo, 2026.

Batay sa ulat mula sa Regional Operations Division ng PRO CAR, nadiskubre ang 6,000 grams ng dried marijuana stalks, leaves, at fruiting tops na may Standard Drug Price (SDP) na PhP720,000 sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Caliking, Atok, Benguet. 

Samantala, sa serye ng marijuana eradication operations naman, apat na plantasyon na natamnan ng 4,150 fully grown marijuana plants na may SDP PhP830,000.00 ang na-discover sa Brgy. Kayapa, Bakun at sa Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.

Ang mga nasabing operasyon ay naging posible sa pagtutulungan ng mga operatiba mula sa Atok Municipal Police Station (MPS), Bakun MPS, Kibungan MPS, Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Provincial Intelligence Team (PIT) ng Benguet Police Provincial Office (PPO), Regional Intelligence Unit-14, at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Administrative Region (PDEA CAR).

Ang mga nadsikubreng marijuana ay dinala sa Regional Forensic-Unit Cordillera Administrative Region (RFU-CAR) para sa dokumentasyon at wastong disposisyon, habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang indibidwal na responsable sa mga nasabing ilegal na aktibidad.

Samantala, sa Apayao naman, 1,000 grams ng dried marijuana stalks, leaves at fruiting tops na may Standard Drug Price (SDP) na PhP120,000 at isang plastic sachet ng naglalaman ng bahid ng pinaghihinalaang shabu ang nadiskubre matapos ang implementasyon ng Search Warrant ng mga operatiba mula sa PDEU , PIU, RID, RIU-14 at 1st PMFC ng Apayao PPO dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa bahay ng isang 26 anyos na lalaki, naitala bilang isang High Value Individual, sa Brgy. San Jose, Luna.

Ang mga nadiskubreng ebidensiya ay dinala sa Luna MPS para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. Samantala, patuloy pang tinutugis ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A.  No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. No. 10591. (RPIO PRO CAR / File Photos)

PRESS RELEASE