Mahigit P1.8M na Halaga ng Iligal na Droga, Nakumpiska; Isang Drug Personality, Timbog

Mahigit P1.8M na Halaga ng Iligal na Droga, Nakumpiska; Isang Drug Personality, Timbog

Naging matagumpay ang isang araw na anti-illegal drug operations na isinagawa ng mga kapulisan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), matapos makumpiska ang aabot sa PhP1,800,952.00 na halaga ng iligal na droga at maaresto ang isang drug personality sa lalawigan ng Benguet at Apayao noong ika-21 ng Mayo, 2026.

Sa inilunsad na marijuana eradication operation sa Benguet, 15,000 grams ng dried marijuana stalks with fruiting tops na may Standard Drug Price (SDP) na PhP1,800,000.00 ang nadiskubre sa Brgy. Badeo, Kibungan ng mga operatiba mula sa Kibungan Municipal Police Station (MPS); 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Companies (PMFCs); Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Provinicial Community Affairs and Development Unit ng Benguet Police Provincial Office (PPO); Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15); Special Operations Unit-CAR; Regional Intelligence Unit-14 (RIU-14); at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.

Agad na sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga indibidwal na responsable sa pagtatanim nito.

Samantala, sa implementasyon ng search warrant sa Apayao, isang 28-anyos na lalaki, na naitala bilang Street Level Individual, ang naaresto matapos madiskubre sa kanyang tirahan sa Brgy. Cabetayan, Kabugao, ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 0.14 grams at SDP na PhP952.00, at tatlong sachet na may residue ng pinaghihinalaang shabu.

Ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Kabugao MPS; 2nd Apayao PMFC; PDEU, PIU, at Provincial Investigation and Detective Management Unit ng Apayao PPO; RIU-14; at RMFB15.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng Kabugao MPS para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon. Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RPIO PRO CAR / File Photos)

PRESS RELEASE