The rise of community pantries amid the lack of ‘ayuda’ – IMEE

Patunay lang na kaya nating Pilipinong tumayo sa sariling mga paa sa gitna ng pandemya, na kahit paano lalabanan natin ang gutom at pandemya para sa ating mga pamilya.

Ang nagsulputang community pantries ang nagpapatunay na buhay na buhay ang “Bayanihan,” pero sumasalamin din ito sa kawalan ng sapat na ayuda mula sa gobyerno. Nagkakagulo pa nga ang marami dahil hindi napasama sa listahan ng DSWD na talagang napakagulo pa rin. Sana’y maisaayos, mapabilis at higit sa lahat madagdagan ang tulong ng pamahalaan natin sa mga pamilyang tinamaan ng sakit at nawalan ng hanapbuhay. Itodo na natin ang tulong sa kapwa!

Nagpapaikot kami ng #ImeeKadiwa sa iba’t-ibang mahihirap na lugar upang makapagbigay ng mas mura at may diskwentong presyo ng mga pagkain at iba pang “essentials.”

Namimigay rin ako ng #IMEEmalunggay sa may kahit kaunting lupa o lugar para paso-pasong magtanim ng sariling pagkain, ang masustansyang malunggay – kapag dumami ito, at makakagawa ng malunggay powder at oil, pwede nang livelihood ng mga nanay.

Meron din tayong #IMEEtrabaho kung saan may mapapasukang libo- libong trabaho sa iba’t-ibang kumpanya – mula sa janitor hanggang sa mga propesyonal.

Huwag tayong mawalan ng pagasa. Community pantry man o anumang magagawang pagbabayanihan sa kapwa, #IMEEsolusyon ang bawat isa sa atin na labanan ang Covid! ###

PRESS RELEASE