SSS Micro Loan Program (SSS Loanlite)
Inilunsad na ng SSS panibagong loan program nito, ang SSS Micro Loan Program o tatawagin ring SSS Loanlite. Mula sa salitang Loan Lite – magaan, mabilisan at pinaigsing araw ang pagbabayad ng utang sa SSS. Angkop ito para was mga miyembrong may biglaang pangangailangang pinansyal pero hindi naman ganon kalakihang halaga.
Ang halaga ng mahihiram sa ilalim ng Loanlite ay minimum of P1,000.00 hanggang maximum of P20,000.00 at maaaring bayaran ito sa loob ng 15, 30, 60 o 90 calendar days. Ang interest rate nito ay nasa 8% per annum o pumapatak na 0.67% kada buwan.
Para ma-qualify sa SSS Micro Loan Program o SSS Loanlite, ang isang SSS member ay dapat: una, 18 years old and above o 65 years old and below sa katapusan ng loan term; pangalawa, may hindi bababa sa 12 posted monthly contributions; pangatlo, walang past due short-term member loans o walang kasalukuyang utang sa SSS; pang-apat, walang pending o settled na final benefit claim tulad nang retirement, death at total disability; panlima, walang aktibong Restructured Loan – kung sakaling bayad na ng buo ang Restructured Loan, ang restrictive period ng availment ng bagong loan ay natapos na; pang-anim, mayroong account sa Participating Financial Institution o sa mga bankong otorisadong magpatupad ng SSS Micro Loan Program; pampito, walang aktibong SSS Micro Loan; pangwalo, nabayaran na ng buo ang anumang pagkakautang sa nakaraang Micro Loan (sa hinaharap); at panghuli, hindi nadisqualify dahil sa pamemeke ng anumang transaksyon sa SSS.
Online ang aplikasyon ng micro loan. Ito ay sa pamamagitan ng mobile app o online bank facility ng mga Participating Financial Institution na siyang partner ng SSS sa pagpapatupad ng programa. Sa ngayon ang mga PFIs ay ang mga sumusunod: UnionDigital Bank, Land Bank of the Philippines, Rizal Commercial Banking Corp (RCBC), at UnionBank of the. Ang mga nabanggit na Financial Institutions ay magse-set up ng kanilang online facility – mapa web-based o mobile app man para tumanggap ng aplikasyon ng Micro Loan.
Babayaran ang pagkakautang sa pamamagitan ng Automatic Debit Arrangement o ADA, over the counter sa bangko, online bill payment o bank/E-wallet transfer o alinmang payment channels.
Maaring mag-apply muli o mag-renew ng micro loan pagkatapos mabayaran ng buo ang nakaraang micro loan.
Para sa buong detalye ng Mciro Loan Program o Loanlite, basahin ang SSS Circular No. 2026-005 sa opisyal na SSS Website.
Kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan, magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph. Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (dating Twitter), YouTube, at Viber – hanapin lang ang MYSSSPH. Bukas din ang usssaptayo@sss.gov.ph at SSS Hotline 1455 para sa inyong concerns at katanungan.
