Residente sa Balococ at Goldstream nangangamba sa kanilang mga daraanan, humihingi ng tulong sa LGUs

Residente sa Balococ at Goldstream nangangamba sa kanilang mga daraanan, humihingi ng tulong sa LGUs

BAGUIO CITY – Dumulog sa ilang mamamahayag ang ilang opisyal ng Small-Scale Miners Association na sina Angelita Sugalan –  Presidente  ng Sugalan Clan Small-Scale Miners, Sandy Asmin – Treasurer , Goldstream Pocket Miners and Community Livelihood Assn. at Alfred Bugnosen – Executive Vice- President, Benguet Federation of Small Scale Miners, Inc.

Naunang inilahad ni Asmin ang sitwasyon ng kanilang dinaraanan noong una ay nilalakad pa nila ito anya, tatlong kilometro ang layo nito mula sa Balococ hanggang sa national highway hindi naging sapat ang ginawa nilang bayanihan para mapaayos ng mabuti ang kalsada may naibigay rin ang gobyerno na siyang unti-unti nila nasesementuhan ang daan at hindi rin anya diretso ang pagkaka semento nito, unti-unti rin na improve at ang ilang bahagi ng kalsada ay nalagyan rin ng reeling sa tulong ng mga na solicit ay napasementuhan rin ang ilang metro ngunit kung makikita sa litrato sa kanan itaas ang gilid ng kabundukan na aming binabaybay ay hindi pa nasesementuhan at wala rin reeling kaya nangangamba pa rin kami lalo na’t noong taong 2020 ay may mga motorbike na kami ginagamit na ito lang ang tanging transport namin na nagagamit para makapamili sa bayan ng Camp 4.

“Nailapit na namin ito sa munisipyo ng Tuba kay mayor CLARITA SAL-ONGAN may naibigay na pondo pero kulang pa rin para maayos ang pathway at ang hanging bridge, may nai commit si mayor na ituloy niya na pondohan ang pathway ngunit kulang rin ang pondo ng munisipyo dahil marami rin problema ang mga barangay na kailangan mabigyan ng tulong.

“Yun daanan ng Goldstream to Balococ ay may dalawang hanging bridge na ito ang priority namin sana mapaayos, hinihiling namin na mapalitan sana ang mga kable at palawakin rib yun hanging bridge.

“Mapapansin yun litrato sa kanan ibaba na eksakto lang na isang motorbike ang maaaring makaraan, kaya kung may matatanaw ka ng papasalubong rin na motor sa dulo ay mapipilitan talaga na mag antay kung sino ang mahuling dumating, halos ang gumagamit na sa amin ng motorbike ay nasa 50 na, ito ang nagiging problema namin sa hanging bridge,”

“Kailangan po talaga na mapalitan na dahil kinakalawang na rin ang flooring at yun kable ay medyo humihina na rin, nangangamba rin kami na baka bigla na lang bumigay yun na huwag sana mangyari, kaya po nakikiusap kami sa mga kinauukulan lalo na kay Congressman Eric Yap, alam namin na may mabuting puso si Cong na sa kanyang mga pag-iikot sa mga liblib na lugar ng Benguet ay nakikita niya ang mga problema ng kanyang mga kailyan, sana makarating si Congressman sa lugar namin upang makita niya ang kalagayan namin dito,”

Sinabi naman ni Angelita Sugalan, “Nagbigay kami ng solicitation letter address kay Governor Melchor Diclas noong panahon ng kampanya para humingi ng tulong tungkol sa problema namin sa kalsada at hanging bridge, pero ngayon nakaupo na sila ay sana mabigyan rin ng pansin ang aming request,”

“May naibigay rin na tulong ang Philex Mining na nakapagbigay ng 100 bags na semento noong March lang na ito ang nagamit rin namin sa aming kalsada,”

“Kailangan talaga ma-improve na ang kalsada na ito lang ang aming daanan lalo na’t ilang araw na lang ay pasukan na ng mga bata, nag- aalala rin kami sa kanilang pagpasok dahil nasa Camp 4 pa ang kanilang school kung lalakarin ito ay aabutin ng mga isang oras bago makarating sa eskwelahan pero kung magmo motorbike naman ay nasa P50 – P100 ang pamasahe, ang estudyante at senior citizen ay may discount,”

“Hinihiling rin namin kay Cong Yap na mapakabitan rin sana ng solar street light yun daanan namin para hindi delikado sa daan kung may magabihan sa pag-uwi,”

“Katatapos lang namin nagsagawa ng fruit-berry tree planting noong August 13, magkasama kami dalawang grupo ng small-scale miners, kasama rin namin ang Harmonious Christian Women’s Association, Tuba Grassroots Store Farmers and livelihood Association,”

Ayon kay Alfred Bugnosen,”Regular na ginagawa namin ang tree planting as bilang responsibilidad namin na pangalagaan ang kalikasan na ito lang ang maipamana namin sa next generation, ang industriya ng pagmimina hindi lang sa pagsisira kundi nagre repair rin, rehabilitation na active mining na sinasabayan ang pag rehabilitate sa kalikasan, para pagtapos na ang pagmimina, hindi na mag start ang rehabilitation so, I encourage lahat ng  mga asosasyon na member namin ay laging nagka conduct ng mga programang maka kalikasan gaya ng tree planting, clean up drive sa surroundings namin, patunayan natin na may ginagawa tayo at makita ng mga nasa gobyerno na hindi tayo naging pabaya sa ating kinatitirhan, magtulong-tulong tayo sa paglilinis at alagaan natin ang kalikasan dahil ito lang ang tanging yaman natin na may sariwang hangin, magandang tanawin at mayabong ang ating lupain kaya nakakapagtanim tayo ng mga gulay at farming,” pagtatapos ni Bugnosen. #  Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman