Skolars ng TESDA, nagdala ng ngiti at saya sa mga bata

Skolars ng TESDA, nagdala ng ngiti at saya sa mga bata

BCSAT, Baguio City – Ngayong buwan ng Agosto ay ika-27 anibersaryo ng TESDA. Kaugnay nito, ang Baguio City School of Arts and Trades (BCSAT) ay naghandog ng kasiyahan sa pamamagitan ng “Feeding Program” sa dalawampong (20) mag-aaral ng Don Mariano Marcos Elementary School (DMMES) sa Brookside, Baguio City noong ika- 27 ng Agosto 2021 para sa kanilang pananghalian. Ang ginanap na “Feeding Program” ay pinangunahan ni Arlene Cadalig, ang administrador ng BCSAT. Ang aksyong eto ng BCSAT ay bilang pagsuporta sa programa ng DMMES na pinamagatang “Healthy Eating Learning Program” (HELP).

Bawat magaaral ay nabigyan ng tigtatlong pakete ng lutong pagkain. Sa kabuuan, 70 na pakete ng pagkain ang naipamahagi sa mga bata at sa iba pang sumali sa programa.

Ang mga naturang mga magaaral na lumahok sa programa ay miyembro ng pamilyang mababa ang kita. Ang mga bata ay maiging pinili ng mga guro na pinanguluhan ni Alice Culaton, na siya ring tagapag ugnay sa “School Feeding Program”. Ang proceso ng pagpili ay ginabayan ng kanilang punong-guro na si Estrella Bulay.

Ang programa ay dinaluhan din ng ilang opisyal ng baranagay Brookside.

Ang mga pagkaing naipamahagi ay inihanda ng mga skolars na kumukuha ng Diploma in Culinary Arts sa BCSAT sa ilalim ng pangangasiwa ni Mary Kristine Iris Pasion. Ikinagagalak ng empleyado ng BCSAT at mga skolars na makatulong lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Bukod sa lutong pagkain, ay may apat na pirasong kalabasa na ipinamahagi sa kanila. Eto ay inani sa mini-organic garden ng BCSAT noong Agosto 26, 2021.

Sa kasamaang palad, umaambon kaya may siyam na batang hindi na lumabas para dumalo at sa halip, ang kanilang mga magulang ang pumuntang kumuha ng pagkain para sa kanila. Labis na ikinatuwa ng mga bata ang handog na eto ng BCSAT TESDA.  //vwtolarba

PRESS RELEASE