Partners and RAB signed the MOA for the Adopt A Park program

Partners and RAB signed the MOA for the Adopt A Park program

Lungsod ng Baguio – Pormal na nilagdaan ng ilang pribado at barangay sektor kasama rin ang institution na paaralan ng elementary at high shool, maging ang mga kapulisan ay naging bahagi sa isinagawang Partnership MOA Signing noong ika-21 ng Mayo, 2024 na ginanap sa Park Drive Garden Pacdal, Circle, lungsod ng Baguio.

Matatandaan nung unang paglagda ng city na pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong at ng Rehabilitation Action for Baguio, Inc. (RAB Volunteer) ang MOA noong April 4, 2024 kaugnay sa Adopt-A-Park Program  ay nabigyan na ng pagkakataon para magkaron ng partnership ang naturang park upang lubusan itong masustina ang pagsasaayos at mapaganda nito ang park.

Buong suporta naman nagpahayag ng commitment ang bawat partner na naging saksi ang lokal na gobyerno ng Baguio na kinatawanan ni Vic Jimenez, Executive Assistant to the office of the Mayor, katuwang rin ang City Environment and Parks Management Office sa pamumuno ni Atty. Rhenan G. Diwas na kinatawanan ni Mr. Floro Bastian.

Pinatunayan ng mga partner ang kanilang pagsuporta sa proyekto ng adopt a park sa pamamagitan ng nakasama rin sa pagtanim ng Bougainvillea plant.

Ang mga partner na naglaan ng oras at pagsisikap na makasama sa kaganapang ito ay ang mga sumusunod:

1.Salvador M. Royeca – GM of Baguio Water District

2. Villafe P. Alibuyog – RD of Philippine Statistics Authority (PSA-CAR)

3. Nancy M. Umoso – Branch Head III, Social Security System

4. Nemesio O. Huag – PB Gibraltar barangay

5. Julius L. Ampal – PB Lualhati Barangay

6. Edgar Enriquez – PB M.Roxas Barangay

7. PMaj. Harriet Bulcio – BCPO- PIO

8. PMaj Bernabe A. Chamo Jr. – COP (PS-3)

9. Remedios P. Quiño –Principal of Rizal ES

10. Marcial L. Lami-ing – Principal of Rizal HS

11. Samuel Paraiso – Batch Coordinator, St. Louis Boy’s High School

12. Margarett S. Espiritu – Batch Coordinator, St. Louis Girls’ High School Batch “83

13. Ferly Rose S. Garcia – President, Baguio Magnolia Lions Club

14. Simon Thomas – Chairperson, Baguio Maharlika Multipurpose Cooperative (BAMACO)

15. Richard Bravo – President, Baguio Events Workers Association

16. Marie Kris A. Banta – Architect, Oro Architects Co.

17. Arnel S. Corpuz – Owner/Proprietor, Zambali Grill

Samantala, Pinasalamatan ni RAB Inc. Chairperson Rosalie Maria Rachel Castañeto ang mga partner na nakiisa at makasama sa pagde-develop ng park ganun rin sa mga Officers, Board at sa lahat ng mga members na kusang tumulong sa paglilinis at parating nakakasama sa tuwing may mga clean-up drive at tree planting activity, tunay na mga masisigla at maaasahang volunteer. ###  Mario Oclaman // FNS

Mario Oclaman