GRACE Guardians nagsagawa ng OPLAN TULONG sa nasunugan sa Upper Cabinet Hill

GRACE Guardians nagsagawa ng OPLAN TULONG sa nasunugan sa Upper Cabinet Hill

Photo courtesy by:  Niarda “RMG ARJEN” Taguna

BAGUIO CITY – (June 3, 2023) “Ang mga boluntaryo ay hindi kinakailangang magkaroon ng oras; may puso lang sila.” “Nakakabuhay ka sa mga nakukuha mo. Bumubuhay ka sa kung ano ang ibinibigay mo.”

“Ang mga boluntaryo ay ang tanging tao sa balat ng lupa na nagpapakita ng kahabagan sa bansang ito, hindi makasariling pagmamalasakit, pasensya, at may malinaw na pagmamahal sa isa’t isa.”

“Volunteerism”, isa lamang ito sa mga adbokasiya na pinaiiral ang adhikain ng mga kasamahan sa GRACE Guardians.

Dalawa sa mga miyembro ng faction ng GRACE Guardians ang biktima na nasunugan noong gabing naganap ang malaking sunog sa Upper Cabinet Hill noong ika-14 ng Mayo, 2023 na kung saan ay naiulat na halos nasa 10 pamilya at ilang estudyante ang nawalan ng tahanan.

Sila Vicente M. Quilon aka “FRMG KATALA at Federico Fernandez aka “RMG BOYLETS” na kapwa miyembro ng GRACE Guardians ang nawalan ng tirahan at walang  naisalbar na gamit dahil sa biglang pagkalat ng apoy ay nataranta na sila kung ano ang gagawin, ngunit sa awa ng Diyos ay wala naman nasaktan o nasawi.

Napagkaisahan ng mga kasamahan sa GRACE Guardians ang pagsasagawa ng OPLAN TULONG para sa mga nasunugan na bagbagin ang mga pader na hindi na mapapakinabangan, linisin at hakutin ang mga natirang debris.

Maliban dito ay nagkaloob rin ng donasyon (cash at in-kind) ang bawat sub-chapter ng GRACE Guardians mga damit, bigas, at assorted canned goods and noodles ngunit hindi pa sapat ito para sa kanilang pamilya kung hanggang saan nila makakayanan ito lalo na’t pansamantala lang muna sila inilikas sa evacuation center sa barangay ng Cabinet Hill. 

Samantala, nagpapasalamat at nag request ng commendation si Eddie “FGGF WIZARD” B. Ocampo at sinang ayunan naman ni National Founder Joe “NFRMG AQUI”  Aqui  para sa mga nag boluntaryo ng clearing operation sa nasunugan.

Kabilang dito sina: Analyn  “RLG ANNE” Camingue, Jose Pepito  “FGRF KA PHETONG” P. Wagan, Vicente  “FRMG KATALA” M. Quilon, Metodio  “FGGF” J. Aquino, Jaime “FRMG JAIPER” A. Perez, Manuel  “FRMG GAMA” G. Gabiz, Adrian “RMG ARJEN” L. Anugot, Ruben “FRMG BENRU” F. Nemedez, Federico “RMG BOYLETS” Fernandez, Marilou “RLG MALOU” F. Gacad, Richard “MG CHARD” Gacad, at Ma. Lourdes “FRMG DHEZ” S. Bertulfo. ###   Ulat ni: Mario “FRMG DRAGON AMOR” D. Oclaman // FNS

Mario Oclaman