TUPAD PAYOUT IN BAGUIO CITY

TUPAD PAYOUT IN BAGUIO CITY

Labing-pitong barangay sa Baguio ang nabigyan ng pagkakataon sa isinagawang TUPAD PAYOUT na pinangunahan ni Senator Emmanuel Joel Villanueva kasama sina City Mayor Benjamin Magalong, Congressman Mark Go, Councilor Philian Louise Weygan-Allan at Head DOLE Baguio-Benguet Emerito Narag na ginanap sa covered court Baguio Central School noong November 30, 2021.

Naunang nakatanggap ng TUPAD PAYOUT ang 755 beneficiaries na mula sa apat na munisipyo ng Itogon, La Trinidad, Sablan at Tublay na ginanap sa Wangal, Sports Complex. Samantala sa Baguio ay 17 na barangay ang nakatanggap matapos makumpleto nito ang sampung araw na pagtrabaho. Ang mga barangay na nakatanggap ay ang Ferdinand, Pinsao Pilot, Sto Rosario Valley, ABCR, Brookspoint, Happy Hollow, Malcolm Square, Pacdal, St. Joseph Village, Dontogan, Teodora Alonzo, Irisan, Happy Homes Old Lucban, Trancoville, West Modern Site, Padre Zamora at Padre Burgos ang mga beneficiaries ay nasiyasat na pawang mga walang trabaho at natanggal sa trabaho, dahil dito ay napasama sila sa programa ng DOLE, ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced.Disadvantaged Workers (TUPAD).  Photos by:  Mario Oclaman /FNS

Mario Oclaman