Statement of Senator Hontiveros on the lapse of 6-month suspension of BI officials allegedly involved in Pastillas scam

The pastillas scam is not over. Hindi pwedeng nakabalik lang sa trabaho nang walang kahirap-hirap ang mga BI officials na di umanong sangkot sa pastillas scam habang wala pang hatol kung sino ang dapat maparusahan.

Hindi tayo nag-hearing sa Senado nang higit isang taon para mauwi sa wala ang ating imbestigasyon at masayang ang sakripisyo ng mga witnesses at whistleblowers na naglakas loob na magsiwalat ng katotohanan.

I urge the DOJ to indefinitely suspend the officers who are alleged to be part of this crime. A 6-month suspension is not enough. Paano na ang mga babae at batang nabiktima at patuloy na nabibiktima ng trafficking dahil sa mga korap sa BI?

Hindi katapat ng 6-month suspension ang pang-aabuso sa ating kababaihan at ang panghabangbuhay na trauma na kailangan nilang harapin. The lives and dignity of our women and children are worth more than that. ###