PSA CAR conducts Dissemination Forum on Consumer Price Index and a Seminar on Statistics for the media.
BAGUIO CITY – Sa opening statement ni PSA – CAR Regional Director Villafe P.Alibuyog ay naglalayon ito na talakayin ang sitwasyon ng Consumer Price Index at Inflation rate sa rehiyon ng Cordillera.
“Being the data collector agency of the Philippines, it is our role at the PSA to disseminate information to our stakeholders. We will discuss what are the uses of Consumer Price Index (CPI) and we are using technical words its our role sa PSA para maintindihan natin more on this CPI and also we thanked to all the media who attend here face-to-face in our seminar on statistics, pag-aaralan natin ang tungkol sa CPI at inflation rate na ito ang madalas na pinag-uusapan ngayon kasama rin natin ang mga participants online, I hope that you will appreciate what the PSA RSOO-CAR is doing,”
Ipinaliwanag ni Sr. Statistician Specialist Betina Joy V. Bermillo kaugnay sa background, concepts at definitions ng Consumer Price Index (CPI) na base sa Cordillera Region.
“The Consumer Price Index is a single number used to measure changes in the average retail prices of a market basket or collection of goods and services commonly purchased by an average Filipino household. It shows how much on average, prices of goods and services have increased or decreased from a particular reference period known as the base year,”
The CPI measures the changes in the price level of goods and services that most people buy for their day-to-day consumption relative to a base year (currently the year 2018)
Ito ay malawakang ginagamit sa pagkalkula ng inflation rate at purchasing power ng piso. Ang mga pagbabago sa CPI sa isang tinukoy na yugto ng panahon (karaniwan ay isang buwan o isang taon), ay ang rate ng inflation. Ang inflation ay katumbas ng pagbaba ng purchasing power of peso (PPP).
“Nakabatay rin dito ang limang component ng CPI na ito ay Base Period na ito batayang panahon ng pagbabago ng presyo ng bilihin,
Market Basket, is a sample of goods and services used to represent all goods and services produced or bought.
Weighing System kung paano nagagamit ang sistema ng pagtimbang sa produkto, ginagamit ng weighing pattern ang mga paggasta sa iba’t ibang mga item ng consumer na binili ng mga sambahayan bilang isang proporsyon ng kabuuang paggasta.
The geographic coverage or location of CPI values are computed at the national, regional, and provincial levels, and for selected cities at and classification systems the CPI uses the United Nations Classification of the Individual Consumption According to Purpose (COICOP) in determining the commodity groupings of the items and services included in the market basket,”
Ang iba pang gamit ng CPI ay ginagamit din ito sa negosasyon ng mga kumpanya at labor groups, gayon din ng ilang ahensya ng gobyerno sa pagtatalaga at pagtutuos ng mga tamang pasahod sa mga manggagawa
Ginagamit din ito bilang deflator sa pagkwenta ng “tunay” o “kasalukuyang” halaga (real value) ng mga produkto, bagay o mismong presyo.
Para sa mga ekonomista or government planners, nagagamit ang CPI bilang economic indicator para bantayan (monitor) ang paggalaw ng mga presyo sa pamilihan.
Ang “inflation” ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo. Sinusukat nito ang bilis ng pagtaas (rate of change) ng presyo at hindi ang pagtaas/pagbaba ng presyo mismo. Samakatuwid, ang IR ay porsyento ng pagbabago ng CPI kada taon kaya inihahambing ang CPI sa parehong panahon (month o quarter) ng nakaraang taon.
Ipinaliwanag ni PSA Statistician – Aldrin Federico Bahit Jr. CSS SOCD – CAR, PSA RSSO –CAR ang Consumer Price Index at Inflation Rate for July 2022 para sa Cordillera Region ay nasa 115.6 ang index point at makikita ang price movement ng CPI sa region.
“Noong July 2021 ay nasa 107.7 ang index points at ngayon July 2022 ay 115.6, mula January hanggang July ang average ng CPI ay 113.5 at ang inflation rate naman ng pag akyat ng index mula noong nakaraang taon ay 7.3 percent ito ay mas mataas sa National inflation rate na 6.4 percent at makikita ang historical value ng inflation rate mula July 2021 ay nasa 3.3 percent ang pagtaas ng atin goods and services pero nung July 2022 umakyat pa uli from 3.3% ay 7.3%,”
Ayon sa buod ng inflation na ulat ng Consumer Price Index ng (2018=100) July 2022 sa CAR ay bumagal ang inflation ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo sa rehiyon sa 7.3 porsiyento noong Hulyo 2022, mula sa 7.5 porsiyento noong Hunyo 2022. Noong Hulyo 2021, mas mababa ang inflation rate sa rehiyon sa 3.3 porsiyento.
Ang deceleration sa inflation rate ng rehiyon noong Hulyo 2022 ay dulot ng mas mababang taunang pagtaas sa index ng pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang gasolina sa 5.0 porsiyento, mula sa 6.1 porsiyento noong nakaraang buwan. Bukod dito, ang isang mas mababang taunang pagtaas ay naobserbahan din sa food and non-alcoholic beverages index sa 6.5 porsyento.
Samantala, ang mas mataas na taunang pagtaas ay nabanggit sa mga index ng mga sumusunod na grupo ng kalakal sa buwan:
Transport, 28.7 percent; Alcoholic beverages and tobacco, 9.6 percent; Restaurants and accommodation services, 7.3 percent; Recreation, sport and culture, 2.8 percent; Personal care, and miscellaneous goods and services, 4.0 percent; Furnishings, household equipment, and routine household maintenance, 2.8 percent; Health, 2.7 percent; and Clothing and footwear, 3.2 percent.
Sa probinsiya / Highly Urbanized City (HUC) sa CAR
Ang Benguet, hindi kasama ang nag-iisang HUC sa CAR na ang Lungsod ng Baguio, ay nag-post ng pinakamataas na inflation rate noong Hulyo 2022 sa 9.5 porsiyento. Sinundan ito ng Mt. Province at Kalinga na may 8.0 porsiyento at Apayao na may 7.7 porsiyento. Ang Ifugao ay nakakuha ng pinakamababang inflation rate sa rehiyon ng Cordillera na may 5.5 porsyento noong Hulyo 2022.
Katulad ng trend sa regional level, bumagal ang inflation sa Benguet sa 9.5 percent noong July 2022. Noong nakaraang buwan, 9.8 percent ang inflation rate sa lugar. Noong Hulyo 2021, ang inflation rate sa lugar ay mas mababa sa 2.8 porsyento.
Ang pagbaba ng inflation rate sa Benguet ay pangunahing dulot ng mas mababang taunang pagtaas ng pagkain at non-alcoholic beverage sa 8.9 porsiyento, mula sa 10.6 porsiyento noong nakaraang buwan. Ang mas mababang taunang pagtaas ay naobserbahan din sa mga indeks ng pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuels na may 4.6 porsiyento; damit at sapatos na may 5.5 porsiyento; at impormasyon at komunikasyon na may 1.4 porsyento.
Sa kabilang banda, mas mataas ang taunang pagtaas para sa mga sumusunod na grupo ng kalakal sa Benguet: Transport, 39.2 percent; Personal car, and miscellaneous goods and services, 6.6 percent; Recreation, sport and culture, 3.9 percent; Furnishings, household equipment, and routine household maintenance, 2.4 percent; and Alcoholic beverages and tobacco, 7.9 percent.
Bahit also explained the use of Purchasing Power of the Peso.
“The Purchasing Power of the Peso (PPP) in all provinces generally weakened in July 2022 compared to the same month of the previous year. The value of one (1) peso in the region was 87 centavos in July 2022. It dropped by six (6) centavos from 93 centavos, followed by Apayao, Benguet, and Ifugao with 86 centavos. Meanwhile, Mountain Province had the lowest peso value with 83 centavos,”
The PPP in provinces and CAR of July 2021 and 2022
Base on 2018 = PhP100.00 to July =PhP87.00 the basket of goods that can be bought with 100 pesos in December 2018 is worth 115.6 pesos in July 2022,” Bahit said.
Ibinahagi rin ni Nico L. Pagaduan- Assistant Statistician ang Uses of Consumer Price Index, “specifically the CPI is used for a measure of general inflation which is the year-on-year change of the CPI expressed in percent. Inflation is interpreted in terms of declining purchasing power of money.
“The headline inflation captures the changes in the cost of living based on the movements of the prices of items in the basket of commodities and services consumed by the typical Filipino household.
The core inflation measures the change in average consumer prices after excluding from the CPI certain items which volatile price movements. Aims to capture the permanent component of the inflationary process that can be influenced by monetary policy.
“The computing purchasing power of the peso it shows how much the peso in the base period is worth in the current period. It is computed as the reciprocal of the CPI for the period under review multiplied by 100.
100 peso in 2018 is equal to 86 peso in July 2022 or a decrease of 14% in value.
“Estimating real consumption and income, assessing per capita food threshold for poverty estimation means the food threshold is the minimum income required to meet the basic food needs, satisfying the nutritional requirements set by the Food and Nutrition Research Institute to ensure that one remains economically and socially productive,” Pagaduan concluded. Mario Oclaman // FNS