Pandaigdigang Kumperensiya sa Agham, Teknolohiya at Artificial Intelligence magtagumpay na nairaos sa Marinduque State University
BOAC, Marinduque – Matagumpay na isinagawa ang International Conference on Science, Technology and Artificial Intelligence noong Setyembre 26 at 27 sa Marinduque State University. May tema ang nasabing kumperensiya na “Advancing Education Towards Responsive Glocalized Economy through Multidisciplinary Research and Development.”
Nagbigay ng pambungad na talumpati ang pangulo ng unibersidad si Dr. Diosdado P. Zulueta tungkol sa tungkulin ng pananaliksik para kauswagan ng bansa. Gayundin, sa pamamagitan ng zoom platform ay nilahad ni Dr. Francis Balahadia ang kaniyang susing panayam mula sa Laguna State Polytechnic University. Samantha, ang mga plenaryong tagapagsalita sina Khritish Swargiary ng EDtech Research Association, India; Dr. Babu Devasenapati ng University of Bangalore, India; Dr. Kim Anh Dang ng Monash Australia at Dr. Titilope Kunkel mula sa Coast Mountain College sa British Columbia Canada ay naglahad din sa pamamagitan ng online na platform.
Habang si Dr. Pablito Magdalita ng University of the Philippines Los Baños, tubong Balagasan, Marinduque at alumni ng Marinduque School of Arts and Trades ay nagbigay ng plenaryong talumpati sa MarSU audio-visual room kasama ng kinatawan ng Coast Mountain College si Evan van Dyke kaugnay ng programa ng MarSU sa internationalization na may teaming “Global Synergy: Forging International Partnerships between Coast Mountain College and Marinduque State University. Kamakailan ay may mga nagpunta mula sa Timor Leste para din sa internationalization noong Setyembre 19-21. Dumalaw ang National Agency for Academic Assessment and Accreditation (NAAA) sa tulong ng International Relations Office.
Mayroong tatlong sabayang sesyon ng mga papel, 22 sa unang kategorya; 34 sa ikalawang kategorya at walo para sa ikatlong kategorya mula Setyembre 26 at 27 sa MarSU main avr at library and learning resource center. ### Randy T. Nobleza,