P6.9-B hulihan ng shabu sa Pangasinan, nauwi sa pagkaka-aresto ng most wanted drug suspects

Contributed Photo
Nasabat ng mga awtoridad ang P6.9-billion halaga ng hinihinalang ilegal na droga mula sa isang warehouse sa Brgy. Laois, Labrador, Pangasinan sa bisa ng search warrant noong, Oct. 3, 2025.
Patuloy pang isinasagawa ang inventory ng mga nakumpiskang umano’y shabu sa lugar.
Samantala, nagsagawa ng press conference ang PNP at PDEA sa pangunguna nina PNP acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. at PDEA Director Gen. Usec. Isagani R. Nerez upang talakayin ang kaso at tiyaking mananagot ang mga sangkot dito.
Ayon kay PDEA DG Nerez,” Nagpapasalamat kami kay Judge Lamog ng RTC Branch 70 sa Burgos Pangasinan sa pagkaka isyu ng search warrant kaya nakapag sagawa ng operation ng pinagsanib puwersa ng PNP at PDEA,”
Ang operation ay dalawang buwan ng sinusubaybayan at may mga impormasyon ng natatanggap at ito ay na assess na at pinag-aralan ng ating intelligence service ng PDEA kaya ito na ang naging bunga, ang una kahapon ay may nakuha na 125 kilos with the PNP at AFP makikita natin kung paano trinabaho ito, it is a product of the whole of the nation approach dahil ito ang gusto ng presidente na lahat ng joint enforcement agency ay nagkakaisa laban sa droga.
“We are very thankful sa ating mga kaibigan sa PNP lalo na si Chief PNP General Nartatez na sa first day pa lang ay inform na siya kung ano yun operation dito ganun rin kay Regional Director ng PRO1 PBGEN Dindo Reyes na kanilang pinagtulungan kung anong strategy ang ginamit nila,”
“Ito ngayon ang magiging task ng joint investigation ng PNP at PDEA para malaman natin yun connection mula sa floating shabu na narecover noon at itong nakuha ngayon dahil iba ang packaging kesa sa floating and even na nakuha rin noon sa Zambales kaya ang usapan namin ni Regional Director Dindo Reyes we will form a joint investigation team para ma trace natin kung saan nanggaling at kung sino-sino ang mga local na contact nila dito,”
“Ang nahuli natin ngayon ay 905 packs yun kahapon ay 125 packs yun assumption namin na per packs is 1 kilo more than 1 ton and 1 ton is 6.8-B,” pagtatapos ni DG Nerez.
Inamin naman ni PDEA DG Nerez na mahaba-haba pa ang imbestigasyon nito sa Pangasinan.
Samantala, pinuri ng PNP acting chief na si Nartatez Jr. ang pinagsamang pagsisikap ng PDEA at PNP.
“Ang makabagong tagumpay na ito ay nagpapakita ng bisa ng magkasanib na pagsisikap ng PDEA at PNP. Hindi kami titigil sa pagsubaybay sa mga grupong kriminal na naglalason sa ating mga komunidad gamit ang ipinagbabawal na droga,” sabi ni Nartatez Jr. # Mario Oclaman //FNS