MOU ng KWF at Daraga Community College, Nilagdaan para sa Pagtatatag ng SWK

MOU ng KWF at Daraga Community College, Nilagdaan para sa Pagtatatag ng SWK

Nilagdaan ng Komisyon sa Wikang Filipino at Daraga Community College ang isang Memorandum ng Unawaan kaugnay ng pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura sa nasabing institusyon.

Kinatawan nina Tagapangulo Atty. Marites A. Barrios-Taran, Komisyoner Benjamin M. Mendillo (para sa Pangasiwaan at Pananalapi) , at Komisyoner Carmelita C. Abdurahman (para sa Proyekto at Programa) ang KWF.

Kinatawan naman nina Dr. Melvin M. Goyena (VP for Academic Affairs) at Prof. Keenen Christian O. Lim (Direktor ng SWK) ang Daraga Community College.

Layunin ng kasunduan na maitatag ang SWK sa Daraga Community College bilang sentro ng pagsusulong, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng wika at kulturang Filipino sa larangan ng edukasyon at pananaliksik. #

PRESS RELEASE