ACT NOW TO AVOID CONTAGIOUSLY COVID-19

ACT NOW TO AVOID CONTAGIOUSLY COVID-19

Biglang dagsa ng tao at humaba ang pila para sa huling araw ng libreng pagpapa-swab test noong Sabado (April 17, 2021)

Sa ilalim ng Aggressive Community Testing (ACT) na programa ng City Government at ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) – John Hay Management Corp.

Sa tatlong araw na activity  simula noong April 15-17 sa Grandstand, Melvin Jones, Baguio City ay target nito ang 3,000 o 1,000 kada araw na tao ang makapag swab test.

Pagkakataon ito para sa mga manggagawa mula sa iba’t-ibang empleyado ng kumpanya, establisyemento, construction workers, security guards, unipormadong tauhan, regional line agents, kawani ng city government, maging ilang mamamahayag at photojournalist.

Maaaring umabot ng 3-5 na araw bago lumabas ang resulta.  Kapag may positibo, ay kaagad na makakatanggap ng tawag.  Maaaring magtanong ng resulta sa CESU tel. no. 665-2757 o mag-email sa cesubaguio2021@gmail.com.  Photos by:  Mario Oclaman / FNS

Mario Oclaman