21st FILIPINO-CHINESE FRIENDSHIP DAY

21st FILIPINO-CHINESE FRIENDSHIP DAY

The Baguio Filipino-Chinese Friendship Garden Events was celebrated at the wonderful Baguio Botanical Garden on June 9, 2022.

The Presidential Proclamation No. 148 series of 2002 signed by Former President Gloria Macapagal Arroyo on January 24, 2002, officially declared June 9 of every year as Filipino-Chinese Friendship Day coinciding with the celebration of the establishment of formal diplomatic relations between the Philippines and China.

Ang selebrasyon ay naglalayon na palakasin pa ang ugnayan sa  tunay pagkakaibgan at pagpapahalaga sa mga Filipino at Chinese community dito sa Baguio.

Sa isang inspirational message ng chairperson ng Baguio Filipino-Chinese Community Executive Community na si Peter L. Ng.

“These Chinese visitors enriched Philippine history and culture. Their descendants came to figure prominently in almost every aspect of Philippine life as chronicled by China’s Imperial Ambassadors, highlighting the Sino-Philippine trade and cultural relations that mutually benefitted the two countries,”

Pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong at ng mga pinuno ng Filipino-Chinese community ng lungsod ang pagdiriwang at ang pangunahing pandangal na si  Zhou Youbin, Consul and Head of Post Consulate of the People’s Republic of China sa Laoag City.

Si Consul Zhou Youbin ang pangunahing benefactor ng Filipino-Chinese Friendship Garden na ito. Sa pamamagitan ng kanyang donasyon na Php1.8M ay na-materialize ang view deck at nag-donate din siya sa Baguio Patriotic High School para makinabang ang mga estudyanteng Filipino at Chinese.

Isinagawa ang ribbon-cutting at unveiling ng Baguio Filipino-Chinese Garden View Deck at Events Place.

Ang matagal ng pagkakaibigan nina Consul Zhou Youbin, Mayor Magalong at Congressman Go ay nananatiling nag uugnay sa pagitan ng mga pamayananng Filipino at China na nakatuon sa higit na pagtutulungan upang magkaroon ng katuparan ang mga layunin para sa pag-unlad ng pamahalaang lungsod partikular sa socio-economic at mga aspeto ng kapaligiran.

Sinabi ng komite na ang Fil-Chinese Friendship Garden sa Botanical Garden ang napili bilang venue ng event dahil sinasagisag nito ang “Filipino and Chinese understanding, cooperation and unity” at pagkilala sa “kahalagahan at malapit na ugnayan ng dalawang tao at ng community partnership. sinadya nitong magpalakas ng loob. Ito rin ay simbolo ng matagal nang pagkakaisa at suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa lokal na komunidad ng Filipino-Chinese ng Baguio,”

Ang programa ay pinangunahan ng Baguio Filipino-Chinese Community Executive Committee (BFCCEC) Working Committee sa pangunguna nina chairman Peter L. Ng, vice chairman Fernando S. Tiong, treasurer Thomas K. Kho, at advisers William Ang at Jose Ong Tajan at mga miyembro Roland Wong at Kane Chanbonpin.

Dinaluhan rin nina Vice-mayor Faustino Olowan, Gng Soledad Go bilang kinatawan ni congressman Mark Go at ilang city councilor.

Nagsagawa rin sila ng gift-giving sa mga natukoy na benepisyaryo ng City Social Welfare Development Office.  Mario Oclaman / FNS / Contributed photo by Neil Clark Ongchangco

Mario Oclaman