TUPAD PAYOUT IN LA TRINIDAD, BENGUET

TUPAD PAYOUT IN LA TRINIDAD, BENGUET

Pinangunahan nina Benguet Congressman Caretaker, Representative ACT-SIS Partylist  Eric G. Yap, Benguet Governor Melchor D. Diclas, La Trinidad Mayor Romeo K. Salda at DOLE- CAR Regional Director Nathaniel V. Lacambra ang pagbabayad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) sa 574 beneficiaries  na kung saan matapos ang 15 days na community work sa kanilang nasasakupang 16 na barangays ng La Trinidad ay maayos at mapayapang isinagawa ang payout noong Mayo 26, 2021 sa BSU, Open Gym , Km 6.

Bago isinagawa ang payout ay nagkaroon muna ng simpleng programa at nagbigay ng mensahe ang mga panauhin. Sinabi ni Yap na ang kanyang mga proyekto at programa ay magtutuloy-tuloy na at naka pokus ito sa 13 munisipyo ng Benguet dahil ito ang pangarap niya na walang maiiwan sa pag-asenso, lahat ay kasama sa pag-asenso. Ipinagmamalaki niyang katuwang rito para sa katuparan ng pag-unlad ng Benguet ay sina Governor Diclas at Mayor Salda dahil nakita niya rito ang katapatan at kasipagan sa kanilang tungkulin.  Photos by Mario Oclaman /FNS

Mario Oclaman