TS Diskwento Caravan yr. 12 set on Nov. 18, 19 & 20

TS Diskwento Caravan yr. 12 set on Nov. 18, 19 & 20

BAGUIO CITY – Sa ginanap na Kapihan ng Tiong San sa Travelite, Legarda Road noong November 9, 2022 ay tinalakay ang nakakapanabik na maghahatid ng kasiyahan para sa mga mamimili, ang Super Sari-Sari Store Bonanza 12, (Diskwento Caravan) na gaganapin sa November 18, 19 & 20 sa Baguio Athletic Bowl.

Sa mga ina ng tahanan at mga may sari-sari store ito na muli ang pagkakataon makapamili ng mga murang produkto mula sa iba’t ibang suppliers at para na rin mapaghandaan ang nalalapit na kapaskuhan, kaya bago ang sahod sa a kinse ay magtabi na para dito sa Diskwento at siguraduhin maging wais lang sa pamimili.

Dahil sa nakararanas na tayo ng pagtaas ng mga presyo ngayon at marahil kung ikukumpara natin noong nakaraang taon na ang mga bilihin noon ay medyo mura pa at kapag tumaas ang pangkalahatang antas ng presyo tulad ngayon ay ang bawat yunit ng pera ay bumibili ng mas kaunting mga produkto dahil dito, the inflation corresponds to a reduction in the purchasing power of money.

Ayon kay Tiong San Vice-President Jasper Golangco (4th from left),”Makalipas ang dalawang taon ng tinamaan tayo ng pandemic dulot ng COVID-19 ay nanatili pa rin bukas ang TIONG SAN na Suki ng Bayan, a Legacy of Value, narito pa rin kami na nagbibigay ng mga serbisyo para sa aming mga giliw na consumers,”

“At dahil ang mga beneficiaries natin dito ay ang mga consumers, we looking at local consumers here in Baguio-Benguet as well some other provinces just like La Union and Pangasinan.

“Primarily. Kapag ginagawa natin itong Diskwento Caravan with the help ng mga suppliers natin tulad ng San Miguel, Alaska at Unilever ay meron sila na prepare na special bundles para ito sa mga nagne negosyo at kung may sari-sari store ka at gusto mo makarami at makamura na kung saan ay masasagad mo ang puhunan mo at marami kang mabibili na paninda, samantalahin na natin ang pagkakataon tatlong araw lang ito, pero para makarami ka na mabibili ay kailangan sa unang araw pa lang puntahan niyo na agad at may pagkakataon pa kayo makausap ang mga suppliers kung gusto niyo maka direkta na kayo makapamili ng paninda sa kanila,”

“Nagpapasalamat ako kay Kenneth So, na buo ang suporta sa ganitong mga event at ganun rin ang DTI ng Benguet Provincial Director na si Atty. Samuel Gallardo, sa mga suppliers na sina Christian Narde – Manager, Account Executive ng UNILEVER at si Aris Constantino – Key Account Manager ng Alaska Milk Corp.

“May isasagawa rin tayong program pang entertainment para sa pa contest, may mga pa raffle rin at marami rin ang mag sponsor dito

“Kaya inaasahan natin na dadagsain talaga ito ng mga suki natin at kailangan pa rin natin I-maintain ang standard safety protocols, nakaantabay na rin ang Traffic Enforcer Unit ng Baguio City Police Office na papangunahan ni Commanding Officer Police Lt Col Doming Gambican.

We are all doing this for you, for the community at sa mga suki namin mga negosyante,”  pagtatapos ni Golangco.   Mario Oclaman // FNS

“Tiong San CORE VALUE is to provide quality yet affordable products”

Mario Oclaman