Tinatayang mahigit na limang libong tagasuporta ang lumahok sa BBM Motorcade Caravan
Baguio City – Pinangunahan ng grupo ng BBM 2022 Baguio, Benguet & Mt. Province ang isinagawang BBM Motorcade Caravan noong November 28, 2021.
Ito ay nahati sa tatlong rota na kinabibilangan ng Irisan, Loakan at Itogon Group Route.
Alas-singko pa lang ng umaga ay nauna nang tinungo ng mahigit sa isang libong rider ang Marcos bust at sinundan rin ito ng ibat-ibang grupo na may sasakyan na nagsimula sa Poyopoy, Tuba, Marcos Highway.
Matapos isinagawa ang Cordilleran ritual sa Apo Lakay (Marcos Bust) ay bumalik ng Baguio at dito ay nagpakita ng malaking puwersa ang mga Marcos Loyalist at supporters na sinunod ang kani-kanilang rota sa lungsod ng Baguio habang nag-iingay sa pamamagitan ng pagbubusina at pagpapatugtog ng “Ang Bagong Lipunan” sa kabuuan tinakbo ng motorcade ay umabot sa 26.7 Km.
Ang mga grupong sumuporta ay Bikers Brotherhood Movement, Partidong Federal ng Pilipinas, Marcos Pa Rin (MPR Cordillera Administrative Region), Kilusang Bagong Lipunan (KBL) Baguio-Benguet, Team BBM 2022, BBM SARA 2.0, BIBAK Philippines, CIASI Riders, Bag-iw Public Servants Riders Inc., Kafagway Riders, Crow Riders, Kiltepan Group, MCUPNAI Village, TAXI Group (Baguio-Benguet) AASENSO Partylist & GRACE Guardians, Inc.
Inaasahan na muling magkakaroon ng malakihang motorcade caravan sa susunod na taon 2022 at ito ay posibleng daluhan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Mario Oclaman /FNS