Talakayan sa Buwan ng Kababaihan nakatuon sa mga Buhay na Dunong at Sustainable Development Goals

Boac, Marinduque – Ngayong Buwan ng Kababaihan, tuwing Miyerkules ng umaga ay may livestream ng mga Gender Advancement and Development (GAD) ng Marinduque State University (MarSU) ng mga Violet Exchange. Mula Marso 5 at 19 ay tungkol sa Moryonan habang Marso 12 at 26 ay para naman sa Kalutang. Sa pangunguna ng mga mag-aaral ng BS Social Work, BA English Language Studies at BA Communication na kumukuha ng Gender and Society sa College of Arts and Social Sciences.
Ang unang talakayan ngayong Marso 5 ay nakalaan sa “Babaeng Moryon: Breaking Gender Stereotype in Moryonan Culture” sa National Museum Marinduque-Romblon area idinaos, kasalukuyang nagdiriwang ng ika-30 taon ng pagbubukas sa publiko.
Nagkataon, 50 taon na ang Philippine Commission for Women (PCW) ay sumasabay ang 30 taon ng School of Arts and Sciences ngayon ay CASS na. Samantala ang MarSU GAD naman ay may 20 taon nang nagsisilbi sa komunidad at sa pamantasan para sa mga pangkasariang proyekto, programa at aktibidad.
Ang kasunod na GAD Violet Exchange ay sa Marso 12 naman, “Exploring the Role of Kalutang in Promoting Gender Equality in Gasan, Marinduque.” Kamakailan lang ay binisita ng mga kalahok ng pentahelix framework mula sa akademya, midya, lokal na pamahalaan, industriya at mga ahensiya ng gobyerno ang Brgy. Bangbang, kung saan isa sa mga tampok ay ang Pangkat Kalutang at si Maestro Tirso Serdeña.
Ang pagpapatuloy ng talakayan ay para uli sa “Gender Roles in the Moriones Festival: Challenging Traditions and Stereotypes in a Patriarchal Society” sa pangunguna ng mga mag-aaral ng BA ELS at MarSU Language Enthusiasts Society.
Habang ang huling GAD Violet Exchange ay nakatuon sa “The Influence of Kalutang to gender roles and relationships in Marinduque” sa pagpapadaloy ng BS Social Work nagdiriwang din ng Social Work Month ngayong Marso. Randy T. Nobleza Ph.D.