Sumagana at proteksyon sa buhay ang hangad natin ngayon Chinese New Year – Ng

Sumagana at proteksyon sa buhay ang hangad natin ngayon Chinese New Year – Ng

BAGUIO CITY – Nagpahayag ng pagbati si Peter Ng, Presidente ng Baguio Filipino-Chinese Chamber of Commerce, Inc. at isa rin kilalang pilantropong negosyante matapos makapanayam sa Convention, Hotel Supreme, Baguio City noong ika-12 ng Pebrero na mismong araw ng pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year.

Bilang pagsunod sa mga alituntunin na ipinapatupad ng lungsod tungkol sa mga health protocols ay nakiisa rin ang Baguio Filipino-Chinese Community Executive Committee at ng Association for Philippine-China Understanding-Baguio Chapter na ipinakansela ang anumang activities na karaniwan ipinagdiriwang taun-taon tulad ng mga pamimigay ng regalo sa bawat barangay, Dragon dance visit sa mga kapwa chinese business enterprise at ang Chinese New Year Grand parade na di umano’y nakakapagdulot ng mass gatherings violation.

Subalit, nauna rito noong Pebrero 1, ay namahagi na ang EXECOM at ang Corporate & individual benefactors ng mga Tikoy at lucky charm tokens sa mga opisyal at kawani sa Baguio City Hall, ipina turnover rin ang donation na 250 cavans of rice sa OSWADO para ipamigay sa mga barangay na ginanap sa City hall ground.

Inamin ni Ng, “noong naging Modified Community Quarantine ang Baguio ay medyo nakaka move-on na tayong mga negosyante lalo noong bahagyang nabuksan ang turismo sa buwan ng Disyembre 2020 at Enero, ngunit ng muling nagdeklara ng GCQ itong Pebrero ay nakakalungkot isipin na biglang humina na naman ang negosyo natin, dahil bihira na ang mga bisita, wala tayo magagawa kundi sumunod at para na rin sa kaligtasan ng bawat isa na maiwasan ang pagkakahawa ng New Covid variant, maghintay na lang tayo kung dumating man ang vaccine na makapagbigay lunas sa atin ay magtiwala tayo at huwag matakot, para patunayan ko sa lahat ay ipapakita ko sa publiko na mangunguna akong magpapaturok ng Moderna Vaccine, nag donate rin ako sa city para magamit ng kababayan natin na gusto magpa vaccine,”

“Naawa rin ako sa aking mga manggagawa rito sa hotel kaya binuksan ko itong Convention kahit bihira lang ang kostumer ay pinapasok ko pa rin ang nasa 30 percent na employee para may pagkukunan rin sila pangtustos sa pamilya nila ang iba naman ay umuwi sa kanilang mga probinsya, mahigpit pa rin namin ipinapatupad rito ang safety and health protocols,”

“In behalf of the Filipino-Chinese Community, we wish all of you a Happy Chinese Lunar New Year, Kung Hei Fat Choi to all” (Hope we all get rich) ani Ng. FNS/ Mario Oclaman

Mario Oclaman