SME’s mangunguna sa Strawberry Festival simula March 15 – 30
La Trinidad, Benguet (March 10, 2022) Magandang pagkakataon na nabigyan ng simpleng activities para sa pagdiriwang ng Strawberry Festival sa kabila na nasa alert level 1 na tayo ng pandemic ay medyo lumuwag na rin at matutuloy na ang ilang programa na idadaos sa Munisipyo ng La Trinidad.
Sa panayam ng Filipino News Sentinel kay Mayor Romeo K. Salda, “Sa napagkasunduan ng executive committee ay matutuloy ang festival namin habang nasa alert level 1 na ay nagpapasalamat kami sa pakikipagkaisa ng mga constituents kaya napagbigyan namin ang proposal ng mga SME’s na mai-display ang kanilang mga produkto sa Strawberry Lane na simula sa March 15 – 30 na gaganapin sa Municipal Park, nag-umpisa na ang Roadside General Cleaning sa lahat ng barangay ng La Trinidad ngayon araw March 11, at sa March 17 ay may isasagawa tayo tree caring sa Communal forest , at sa March 18, 7:30 in the morning ay may ritual at thanksgiving mass, at 2 o clock in the afternoon there will be a strawberry cake competition, then to follow the competition of strawberry jam performer from 2pm to 8pm at Tourism Building stage until March 20, and on March 25, there will be a Balili River clean up, at sa March 26 from 8am to 5 pm you can enjoy a horse riding in Kavadjo Shi Trinidad, inaanyayahan namin ang mga karatig probinsiya ng Benguet at maging sa mga taga lowlands na bisitahin at saksihan ang aming mga activities at tangkilikin ang mga produkto na sadyang gawa sa maipagmamalaki namin strawberries,” pagtatapos ni Mayor Salda Para sa tema ngayon taon ng kapistahan ng strawberry ay “Cultivating the Seeds of Recovery” Mario Oclaman / FNS