SM Baguio namahagi ng pangunahing pangangailangan sa mga naapektuhan ng bagyong “Maring”

SM Baguio namahagi ng pangunahing pangangailangan sa mga naapektuhan ng bagyong “Maring”

BAGUIO CITY – (October 15, 2021) – Dalawang araw nagsagawa ng Operation Tulong Express ang SM Baguio sa pangunguna ni Mall Manager Rona Vida Correa, kasama sina Engr. Marc Janssen Pe, Karren Nobres, at ilang personnel staff.

Ito ay matapos mangyari ang hindi inaasahan na hagupit ng bagyong ‘Maring” noong Lunes ng gabi at araw ng Martes ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan kasabay ng malakas na hangin na kung saan ay maraming pamiya ang naapektuhan sa iba’t-ibang dako ng Baguio at Benguet, dahil dito ay agad na naghanda ang administrasyon at empleyado ng SM Baguio upang mamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa mga naapektuhan ng bagyo tulad ng blankets, mattress, food packs at mineral water.

Naunang nabigyan ang mga masisigasig na rescuers ng freshly cooked meals at boxes of bottled waters maging ang mga pinagsamang rescuers ng PNP, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Phiippines at ilang LGU’s na patuloy sa Search and Rescue Operation sa Mirador, Dominican Hill noong October 13.

Namahagi rin sila sa ilang communities na naapektuhan sa barangay Irisan, matapos nito ay namigay rin sila ng Kalinga packs sa mga concessionaire ng biking at boating area sa Burnham Lake.

Tinungo rin ng SM Operation Tulong Express team ang Munisipyo ng La Trinidad na dito ay ipina turnover kay mayor Romeo K. Salda ang mga blankets, mattress, at mga naka box na bottled water.

Sinabi ni Mall Manager Correa, “We’re giving necessities for those affected by the flood and the landslide kasi we are aware naman sa nagyaring typhoon Maring na maraming families na affected so, we are just giving a little from SM Baguio at least na makatulong para sa mga pangangailangan nila,”

“Una namin pinuntahan ay sa Mirador Hill na doon isinasagawa ang operations ng pag rescue sa mga natabunan, nabigyan namin ang mga rescuer ng kanilang konting makakain at mainom at namahagi rin kami ng mga blankets at mattress sa mga 9 families na nasira ang kanilang tahanan, nagbigay rin kami sa Irisan ng 19 individuals mga around 8 families,”

“Sa La Trinidad naman ay may mga mattresses kami na naibigay and we are setting up sa Longlong ng Isolation facility so, 40 of the beds will go there for them to start-up ng isolation facilities natin,”

“Ito ay bilang bahagi ng corporate social responsibility na mula sa SM Foundation, Inc., SM Cares at SM City Baguio,”

Sa ikalawang araw ng distribution ng Operation Tulong Express ay may 600 KALINGA (food) packs naman ang ipinamahagi sa communities ng La Trinidad at Baguio sa Elpidio Qurino Elementary School covered court sa Purok 9, Irisan na dito ay tumulong rin ang ilang pulis na namigay ng food pack sa mga pamilya na naapektuhan ng bagyo.

Ayon naman kay La Trinidad Mayor Salda, “Tunay na maasahan ang ilang establisyemento tulad ng SM Baguio na kilalang mapagkawanggawa sa mga kababayan natin na nakakaranas ng pagkamiserable partikular sa bawat tahanan sa tuwing may mga disaster o kalamidad na dumarating, labis akong nagpapasalamat sa kanilang tulong na ipinamahagi sa amin dito sa La Trinidad at ganun rin sa isolation facilities na nagbigay ng mga mattress sa Longlong,”  Mario Oclaman /FNS

Mario Oclaman