ROAD CLEARING OPERATION

ROAD CLEARING OPERATION

Mahinahon na pinakiusapan ni Kagawad Rey Orbello ang mga sidewalk vendor na ayusin sa lugar ang kanilang mga paninda sa kahabaan ng Upper Magsaysay barangay, matapos magbigay ng direktiba si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa lahat ng barangay officials para bisitahin at mag inspeksyon sa mga nasasakupan nilang barangay, alisin o kusang pakiusapan na tanggalin ang mga nakasagabal na nakaparadang mga sasakyan sa kalsada at maging sa mga bangketa upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang siksikan sa daraanan. Mananatili ang anti-road obstruction campaign sa barangay hanggat may nakikitang lumalabag sa kampanya ng road-right-of-way. Kasamang nag inspeksyon ang taga city engineer office, sina kagawad Feleciano Gasita at Barangay secretary Joel Caido, Huwebes ng umaga.  Mario Oclaman     

Mario Oclaman