Rehabilitasyon ng mga naapektuhang bayan sa Pagmimina tinalakay sa Stakeholders Forum

Rehabilitasyon ng mga naapektuhang bayan sa Pagmimina tinalakay sa Stakeholders Forum

Boac, Marinduque – Sa pamamagitan ng pangunguna ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) ay nagkaroon ng talakayan para sa paglilinaw sa $100 milyong settlement agreement para sa mga opisyal ng pamahalaan, iba-ibang ahensya, simbahan, civil society organization at academe.

Nagbigay ng historikal na konteksto ang executive secretary ng MACEC, si Beth Manggol, nagbahagi siya ng pinaglaban sa Writ of Kalikasan. Habang naglatag ng papel ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque si bokaal Jojo Leva.

Sa online na platform ay naglaan ang legal counsel ng mga petitioner si Atty. Amelthon Sampayo. Nagbigay naman ng panahayag si ang punong lalawigan, si Gov. Mel Go ng kaniyang tang at paglilinaw sa nasabing settlement agreement.

Nagpapatotoo din si Mamerto Lanete, ang natitirang buhay na petitioner ng Writ of Kalikasan sampu ng mga kasama niyang sina Godofredo Manoy at Eliza Hernandez na namayapa na. Binigyan niña ng diin ang rehabilitasyon ng Ilog ng Boac at Mogpog maging ang Calancan Bay.

Batay sa mga napagkayarian sa stakeholders forum, sa kabuuhan ay nabigyang linaw ang mga sumusunod:1. Ang $100M Settlement Agreement ay kaugnay ng Writ of Kalikasan case na naifile ng 3 Petitioners (Mamerto Lanete, Godofredo Manoy at Eliza Hernandez) sa pamamagitan ng paggabay ng MACEC; 2. Ang Provincial Government ng Marinduque ay naging INTERVENOR kaya naging bahagi ng kaso at naisulong ang settlement agreement; 3. Ito ay hiwalay na kaso at hindi ito kaugnay ng nadismis na kaso ng Provincial Government of Marinduque sa Nevada; 4. Ang intention ng mga Petitioners kaya nagsampa ng Writ of Kalikasan ay tanging para lamang sa rehabilitation/restoration ng mga nasirang kalikasan ng Mogpog, Sta. Cruz at Boac dahil sa pagmimina ng Marcopper/Placer Dome now Barrick Gold. Maging sa Petitioners at MACEC ay wala ni isang kusing na matatanggap mula sa settlement funds; 5. May ordinansang ipapatupad ang pamahalaang panlalawigan (Provincial Ordinance No. 250 series 2025) upang maging gabay sa maayos na implementation kasama na ang pagdevelop ng comprehensive rehabilitation plan at pagbuo ng Oversight Committee; 6. Nilinaw ni Gov. Mel na hindi niya inaayawan ang settlement agreement, nais lamang nyang magkaroon ng paglilinaw at maipahayag ang kanyang mga agam-agam bilang ama ng lalawigan; 7. Ang $100 million ay settlement lamang ng Barrick Gold/Placer Dome bilang 40% owner. Ang Marcopper ay mananatiling accountable sa pangkalahatang danyos bilang 60% owner. Ang pamahalaang panlalawigan ay nagfile na ng Php11 Billion Damage Suit laban sa Marcopper at subsidiaries nito.

Nagpahayag din ng ng suporta si Fr. Lino Esplana, Diocesan Administrator, naging moderator si Fr. Arvin Madla, Chair ng MACEC at nagbigay naman ng synthesis ang dating Vice-Governor Adeline Angeles, Board ng MACEC. Sa huli ay nagpasalamat ng lubos si Fr. Arvin sa lahat ng dumalo at nagbigay ng mga makabuluhang input, legal opinion at mga rekomendasyon at resolusyon ng nasabing forum na ipapadala sa mga concern offices.

Ayon sa MACEC, “naging mahaba man ang diskussion at talakayan, sa huli ay nagkaroon ng pagkakaisa ang lahat at nagkaroon ng mga rekomendasyon at pagpapatibay ng resolusyon pang makatulong matiyak na maisulong ng tuloy-tuloy ang settlement agreement.” # Randy T. Nobleza Ph. D. / Photo by MACEC Marinduque

PRESS RELEASE