Punla, umani ng panalo sa PelikulAgraryo

Punla, umani ng panalo sa PelikulAgraryo

Batangas, CALABARZON – Naiuwi ng Sibol Production mula sa Communication Society ng Marinduque State University (MarSU) ang pangalawang gantimpala sa PelikulAgraryo ng Department of Agrarian Reform  (DAR) Film Festival ng Mimaropa.

Ang short film na lahok, “Punla” ay nanalo rin ng Best Sound at Best Supporting Actress para kay Ashley Mangubat. Mula sa panulat ni Jurhyss Arsen Natividad at direksyon ni Mia Kristel Delarmente sampu ng produksiyon ng MarSU Comm Soc at patnubay ni Bb. Aubrey Jen Matibag ng MarSU College of Arts and Social Sciences.

Ang tema ng DARCFF 2025 ay “Pag-ani sa mga Pangarap: mga Kwento ng Pag-asa at Tagumpay” na naglalayon na itampok ang mga tunay na istorya ng mga agrarian reform communities sa mata ng mga kabataan.

Ang parehong grupo ng mga mag-aaral ay naging kaakibat din ng MarSU Sentro ng Wika at Kultura sa pagdiriwang ng Baliktanaw sa Kasaysayan para sa ika-105 na muling pagkakatatag ng Marinduque at MarSU Film Festival “SineGunita.”  Randy T. Nobleza, Ph.D.

PRESS RELEASE