PULIS@UR SERBIS

PULIS@UR SERBIS

Sa Baguio City, isang pulis na nakatalaga sa Baguio Naguilan Police Station (PS1) ang nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga kabataan ng isang Daycare Center sa Brgy. Fairview, Baguio City.

Bilang pasasalamat ni Patrolwoman Ardayle Callueng sa isa na naman taon na puno ng blessings, naisipan nya na magdiwang at itreat ang mga nasabing kabataan.

Sa halip na tumanggap ng regalo, si Pat. Callueng ay nagbigay ng regalo tulad ng alcohol, facemask, at goodie bags sa mga bata. At dahil nga birthday nya, siya rin ay naghanda na mga pagkain para sa mga bata.

Bakas naman ang kasiyahan sa mukha ng mga bata na nahatiran ng pa-birthday ni Pat. Callueng. (PROCOR-PIO /File Photos)

PRESS RELEASE