PUBLiCUS at KALYE Survey nagpatotoo na si Bongbong ang “BEST BET MO” sa 2022
ANG napakalaking numero ng pagsang-ayon ng mga Pinoy sa pagka-pangulo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pinakabagong survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia nitong Biyernes ay pagpapatunay lamang sa mga resulta sa isinagawang serye ng Kalye Survey sa unang dalawang linggo ng Oktubre.
“Both the science-based and real-time street surveys also confirmed that Bongbong Marcos is widely chosen by the respondents as their Best Bet for president in next year’s elections,” ayon sa Kampo ni Marcos.
Sa inilabas na resulta ng PUBLiCUS Pahayag survey, nakatanggap si Marcos ng napakalaking pagsang-ayon sa respondents mula sa mga pangunahing lugar sa bansa para maging susunod na Pangulo sa halalan sa Mayo 2022.
Sa National Capital Region, nakakuha si Marcos ng 40% na pangsang-ayon mula sa botanteng Pinoy, habang dominante siya sa North at Central Luzon na may 55.7%. Nakakuha rin siya ng 38.2% sa South Luzon, habang naitala ang 44.7% para sa kanya sa Visayas. Sa Mindanao naman ay naitala ang kanyang pinakamalaking puntos na 62.5%.
Si Marcos, na nagsusulong ng mapagkaisang pamumuno sa bansa, ay nakakuha sa kabuohang pagpulso para sa pagka-pangulo ng 49.3% kumpara sa kanyang mga katunggali na sina Leni Robredo, na may 21.3%; Isko Moreno, 8.8%; Ping Lacson, 2.9%; at Manny Pacquiao, 2.8%.
Ang pangunguna ni Marcos sa presidential race survey ng PUBLiCUS Asia ay may pagkakatulad sa mga resulta sa isinagawa naman ng laganap na Kalye Surveys sa mga vlog at online sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila, gayundin sa mga karatig lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon mula Oktubre 1 hanggang 11.
Sa kabuuang 2,137 respondents ay 1,307 ang pumili kay Marcos para maging pangulo ng bansa, kasunod sina Moreno na nakakuha ng 345 at Robredo na may 231. Nakakuha naman si Pacquiao ng 125, habang si Lacson ay may 89 at si Bato Dela Rosa ay 23 boto.
Nakakuha si Sara Duterte ng 17 sa Kalye Surveys, ngunit hindi na isinama ang kanyang pangalan sa PUBLiCUS Pahayag survey matapos na opisyal nyang ideklarang hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 at magsumite ng kandidatura para sa kanyang reelection sa Davao City.
Batay sa resulta ng Pahayag survey at Kalye Survey, na itinuturing na “real time, face-to-face” live street survey, walang duda na si Marcos ang mananalo sa pagka-pangulo kung ang halalan ay isinagawa sa mga petsa kung kailan idinaraos ang survey. ###