PROCOR, naiulat ang pangkalahatan sa pagsalubong ng mapayapang Bagong Taon sa Cordillera

PROCOR, naiulat ang pangkalahatan sa pagsalubong ng mapayapang Bagong Taon sa Cordillera

Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet –  Bukod sa tatlong naiulat na insidente sa Abra, sa pangkalahatan ay mapayapa ang tradisyunal na pagsalubong sa bagong taon sa Rehiyon ng Cordillera.

Ayon sa mga ulat na nakarating kay Regional Director, PBGEN RONALD OLIVER LEE, isang insidente ng illegal discharge of firearms, isang insidente ng ligaw na bala, at isang firecracker-related incident ang nangyari sa Abra mula Disyembre 31, 2021 hanggang Enero 1, 2021.

Sa Tayum, ang mabilis na pagresponde ng Tayum MPS ay nagresulta sa pagkakaaresto kay Anthony Ramos Maneja, 33 taong gulang. Iniulat si Maneja ng isang concerned citizen dahil sa ilegal na pagdiskarga ng kanyang mga baril.

Ayon sa pahayag ni PBGEN LEE, “Bilang may hawak ng isang lisensyadong baril ay dapat maging responsable siya sa paggamit nito. Kaya naman inutusan ko na ang Provincial Director ng Abra na makicoordinate sa RCSU para sa cancellation ng kanyang mga privileges”

Sa Bangued, tinamaan ng ligaw na bala sa kanang binti si April Balicaw Guetang, 31 taong gulang. Nasa maayos na kondisyon si Guetang at kasalukuyang naka-confine sa Seares Memorial Hospital.

Alinsunod sa pagpapatupad ng umiiral na Firecrackers Ban Ordinance, may kabuuang 701 na paputok at Boga ang nakumpiska na nagkakahalaga ng Php24,960.00.

The accomplishment may be attributed to the significant decrease in fire-cracker-related injuries

Para sa taong ito, isang insidente na may kaugnayan sa paputok na kinasasangkutan ng isang 32-anyos na lalaki mula sa Luba, Abra.

Ang biktima ay nagtamo ng first-degree burn sa kaliwang hintuturo dahil sa kwitis. Noong nakaraang taon, apat (4) na insidente ng paputok ang naitala sa parehong panahon.

“Bagamat, may mga naitalang nangyari, sa kabuuan ay naging mapayapa ang ating pagsalubong sa bagong taon dito sa buong rehiyon ng Cordillera”. dagdag ni PBGEN LEE. Mario D. Oclaman / FNS

Mario Oclaman