Pandaigdigang Kumperensiya sa Araling Asyano at Filipino sa darating na Pambansang Buwan ng Pamana

Pandaigdigang Kumperensiya sa Araling Asyano at Filipino sa darating na Pambansang Buwan ng Pamana

Cagayan De Oro, Philippines – Muling magdaraos ang Pamantasang De La Salle Manila ng ika-9 na International Conference on Asian and Philippine Studies (ICAPS) ngayong Mayo 28 hanggang 30 sa N Hotel.

Ang mga mananaliksik, mag-aaral at gurong interesado ng paksang pangwika, pangkultura at pangmidya ay maaaring magpasa ng mga abstrak kahit nakasulat sa wikang Ingles o Filipino may 300-500 na salita, may maiksing panimula, buod ng resulta at konklusyon sa pamamagitan ng QR code.

Tatanggapin ang mga panukala at maaari nang magpatala sa early bird registration hanggang Marso 15. Habang ang regular na pagpaparehistro ay sa Abril 15 habang ang late registration ay Mayo 15. Pang-11 taon nang nagdaraos ang DLSU Manila partikular ang College of Liberal Arts at DANUM (Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino).

Parehong onsite at online ang ICAPS 9, bukas sa mga senior high school at undergraduate na mga mag-aaral, maging sa mga gradwadong mag-aaral kahit propesyonal. Ang mga hindi maglalahad ng papel at mga mag-aaral kahit ang mga galing sa ibang bansa o institusyon ay maaaring lumahok sa ICAPS 9. # Randy T. Nobleza Ph.D.

PRESS RELEASE