Pagna’t Montanyosa namigay ng books at school supplies sa mga mag-aaral bilang “Pencil for a Smile project”
“Pagpapahalaga sa mga bata”, yan ang handog ng mga kapulisan ng Mountain Province kasama ang grupong “Pagna’t Montanyosa” sa kanilang “Pencil for a Smile” program sa dalawang barangay ng Bontoc, ang Alab at Balili.
Ang programa ay naglalayong magbigay ngiti at kaalaman sa mga bata. Katuwang ang grupong “Pagna’t Montanyosa” sila ay nakapagbigay ng hygiene kits at school supplies sa mga mag-aaral. Learning materials naman katulad ng Encyclopedia ang ibinigay sa elementary schools ng mga nasabing barangay.
Bukod sa material na kagamitan, ang mga kapulisan sa pangunguna ng Chief, Women and Children Protection Desk (WCPD) na si PMAJ FAITH IGUALDO, ay nagbigay ng payo sa mga bata patungkol sa usaping pangseguridad upang kahit sa murang edad ay maging handa sila sa mga sitwasyong may banta sa kanilang kaligtasan. Samantala, payong pangkalusugan naman ang hatid ng mga pulis-nars at anti-bullying naman sa mga guro.
Pagkatapos magbigay ng kaalaman at mga kagamitan, ito ay sinundad ng feeding program. Sa kabuuan ay may 265 na mga bata ang napangiti ng grupo.
Ang “Pencil for a Smile” na programa ng grupong “Pagna’t Montanyosa” ay pangalawang beses ng naisagawa kasama ang kapulisan ng Mountain Province mula 2021. (PROCOR-PIO)