PAGHAHANDA SA PAGLUNSAD NG TREE OF LIFE

Hindi alintana sa gitna ng sikat ng araw ay minamadali ng tapusin ng mga manggagawa ang bantayog na tinatawag na “Tree of Life” bilang pangunahing kaganapan na itatanghal kasabay sa pagdiriwang ng Environment Month at Saleng Festival sa ika-20 ng Hunyo, Linggo ng umaga. Nasa 20 tree carts ang ipaparada na magsisimula sa itaas ng Session Road pababa ng Malcolm Square, Lungsod ng Baguio.  Saksihan ang nakamamanghang parada ng iba’t-ibang punong kahoy at halaman na pangungunahan ng city officials, government department offices, establishments, institution, universities and NGO’s groups.   Photo by:  Mario Oclaman / FNS