P400 milyon pondo ng TUPAD para sa 2022, maaari pang dagdagan depende sa sipag – YAP

P400 milyon pondo ng TUPAD para sa 2022, maaari pang dagdagan depende sa sipag – YAP

La Trinidad, Benguet – Matapos ginanap ang huling TUPAD payout ng limang batch sa 13 municipality ng Benguet noong December 22, 2021 na ginanap sa Benguet Sports Complex, Wangal, La Trinidad, Benguet ay agad na pinaayos na ni Benguet Caretaker Congressman Eric Yap ang pondo ng TUPAD para sa susunod na taon ng 2022.

Sa panayam ng Filipino News Sentinel kay Congressman Yap, “Yes po, P400 milyon dinilegate at inayos ko na para dito sa ating probinsiya sa Benguet, at pwede pa madagdagan yan siyempre depende po yan sa sipag, hindi ako nahihiya manghingi sa mga secretary basta para sa Benguet,”

“Umabot sa P180 milyon ang naipamigay na TUPAD ngayon taon 2021 kaya sa mga kababayan ko sa Benguet, humanda na tayo para sa P400 milyon na TUPAD lahat yan ay mapupunta sa inyo walang labis, walang kulang pwedeng sumobra bawal bumawas, at ang target natin na beneficiaries ay nasa 70 to 80 thousand pero hindi naman ako kuntento sa P400 milyon hihingi at hihingi ako ng karagdagan sa secretary kung mauubos na ito,”

Nagpahayag rin ng mensahe si Yap sa kanyang mga kababayan sa Benguet, “Para sa aking kababayan sa aking probinsiya, lahat ng ginagawa ko ay para sa inyo, huwag kayo mag-alala kung anuman batikos yan ay hindi ako natitinag, bagkus ako po ay nagsisikap pa lalo para pagandahin pa ang probinsiya natin, magdala pa ng maraming proyekto, magdala pa ng maraming ayuda para sa inyo mga kababayan ko, binabati ko kayo ng Merry Christmas and a Happy New Year sa mga mahal kong kababayan,”  pagtatapos ni Yap.  Mario Oclaman / FNS

Mario Oclaman