VP Leni, nagpasalamat sa suporta ng grupong pang-agrikultura sa kaniyang pagkandidato
Nagpahayag ng pasasalamat si Bise Presidente Leni Robredo sa Alyansa Agrikultura sa kanilang pagsuporta sa kanyang pagtakbo bilang Pangulo sa eleksyon sa Mayo 2022, at nangako siya na bibigyan ang sektor ng agrikultura ng atensyon na dapat maibigay dito ng pamahalaan para ito’y lumago at umunlad.
“We thank the Alyansa Agrikultura for giving your full support to our candidacy. Our journey is becoming stronger by the day because of each one of you. It is our people’s campaign that will truly give our country a better future,” sabi ni Robredo, na ngayon ay pumapangalawa na sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Nitong Pasko, ipinahayag ng Alyansa Agrikultura ang kanilang suporta para kay Robredo, ang unang pagkakataon na hayagang may sinuportahang kandidato sa presidente ang grupo simula noong itinatag ito noong 2003.
Sa isang pahayag, sinabi ni Arsenio Tanchuling, presidente ng Alyansa Agrikultura, na dahil sa kasalukuyang krisis ng sektor, nagpasya ang grupo na lumihis mula sa nakagawiang non-partisanship nito at suportahan si Robredo bilang pangulo.
“We believe Leni Robredo, with her commitment to participatory governance and proven performance track record, is the best candidate for president. She will give agriculture, as well as the neglected and exploited farmers and fisherfolk, the necessary bright future it has been denied for so long and now fully deserves,” sabi ni Tanchuling.
Sa Agri 2022 Online Forum noong Nobyembre, ipinangako ni Robredo na dodoblehin ang budget para agrikultura at pag-aralang maigi ang alokasyon ng budget na ito sa unang taon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo.
Sinabi ni Robredo na dapat bigyan ng sapat na resources ang mga climate-resilient crops at iba pang sektor ng agrikultura para matupad ng potensyal ng mga ito. Ipinagdiinan niya na ang sektor ng agrikultura ay isang malaking “employment opportunity giver” kung tututukan at pauunlarin ng pamahalaan.
“Agriculture is the number one employment opportunity giver kapag inasikaso lang natin, ” sabi ni Robredo sa AGRI 2022 Online Forum noong ika-29 ng Nobyembre.
“Ang ating pag-asa talaga agriculture, kasi iyon talaga iyong pinagkukunan ng kabuhayan ng marami. Kung tututukan lang natin, maraming mga Pilipino iyong maaalis sa poverty level,” sabi niya
Sa forum, kinilala ni dating Agriculture and Trade and Industry Undersecretary Ernest Ordoñez ang pangarap at plano ni Robredo para sa sektor.
“We want to thank you, Vice President Robredo, because you not only showed us your direction, you showed us the detail in the direction because of your actual experience with poor farmers and fisherfolk,” sabi ni Ordoñez. [End]