Mga Proyekto ng Pulisya at Pamayanan tinalakay sa pagdaraos ng 26th PCR month

Mga Proyekto ng Pulisya at Pamayanan tinalakay sa pagdaraos ng 26th PCR month

The Baguio City Police Office kick-off the 26th Police Community Relations Month anchored with the theme  “Pulisya at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemiya at Laban sa Krimen” and the Kapihan sa BCPO hosted by (Below photo, standing from l – r) PIA-CAR Regional Director Helen Tibaldo, (Panelist) PROCOR PCpt. Marnie Abellanida,  PCOL Maly C Cula – Chief, Regional Community Affairs Development Division (PROCOR), NAPOLCOM Director Editha Puddoc,  Regional Advisory Council Chairman Ed Meneses,  BCPO City Director Col. Glen Lonogan, and the newly elected PNP Presscorp Cordillera President Darious  Bajo. Also the co-host  PLTCOL Judy Palicos – Chief, Police Community Affairs and Division Unit during the MEDIA forum held at Multi-purpose hall, BCPO on July 7, 2021.  Photos by:  Mario Oclaman / FNS

BAGUIO CITY – (July 8, 2021) – Nagbigay ng mga pahayag at pananaw ang mga panelista kaugnay sa pagdaraos ng ika-26 Police Community Relations for the Month of July.

Sinabi ni NAPOLCOM Director Puddoc, “ang Police Community Relations Month ay idinadaos tuwing buwan ng July at ang theme para sa taong ito ay “Pulisya at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemiya at Laban sa Krimen” na declare ito as Presidential Proclamation No. 764 series of 2005, ginagawa natin ito upang naglalayon na bumuo ng mas malapit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng pamayanan sa paghawak ng mga alalahanin sa kapayapaan at kaayusan, alam naman natin kapag wala ang community ay hindi masyado makakagalaw ang ating kapulisan, to strengthen the community participation in crime prevention, ever since ka partner natin ang ating community members sa crime prevention, it also stronger partnership and community support in peacekeeping,”

Ayon naman kay PCOL Cula, “Sure po tayo na lahat ng kapulisan ng buong Cordillera ay nagse celebrate ng Police Community Relations Month, but even with that halos araw-araw ay Police Community Relations in fact good deeds ng ating mga kapulisan hindi lang dun sa buwan ng PCR dahil lagi natin nakikita sa kalsada ang challenge lang ay kung paano sila nakikita ng maraming tao, ang PCR ay nag evolve na ito in fact naging community affairs and development dahil nakikita ng kapulisan natin ng mga nasa PNP hindi lang talaga magandang relasyon ang kailangan, hindi magandang pakikitungo ng kapulisan at sa community ang kailangan, but we also to develop communities, kaya dinagdag ko ang community affairs and development, because we had want to have advocates to the communities that can be the partner of crime prevention, crime solution and of course to save also the Filipino Youth, isa sa magandang programa ng PNP ay ang “Kabataan Kontra Droga, Terorismo (KKDot),  This is strengthen partnership with our youth, to save this youth from manipulative from other group dapat natin mas mahalagang ka patner ang mga kabataan dahil malaki ang nagagawa nila, malaki ang naitutulong nila sa mga kapulisan natin. Hindi lang sila partner natin but we are also training in terms of leadership and skills training na magagamit nila at mai-apply sa buhay at community at nagiging katuwang sila sa kapulisan,”

Sa ibinahagi pahayag naman ni PROCOR PCpt. Abellanida, “Mula sa mahigit na 9,000 na personnel ng PROCOR sa pangunguna ng aming Regional Director PBGEN Ronald O. Lee ay masasabi natin na generally peaceful ang ating Cordillera region at dahil sa magandang sitwasyon natin ay maraming mga bagay ang mas nagagawa ng mga pulis instead na magpo focus sila sa mga investigation sa paglutas ng mga krimen, ang kapulisan natin mas tinutuon nila ang kanilang pansin sa pagsisilbi sa ating community, ito ang utos ng ating Regiona Director na habang may pagkakataon na tumulong ay gawin natin, kaya makikita natin na lahat ng halos na officers from the Regional Headquarters down to the Municipal Police Stations at sa mga PCP’s natin pag may pagkakataon na tumulong magbuhat ng mga bagahe, magtulong sa pagsasaka, magdala ng mga may sakit, bilang kabahagi ng direktiba ng ating RD at even before pa naman na itong celebration natin na PCR month ay talagang aktibo naman ang mga kapulisan sa pagtulong,”

 “Sa City Jail naman ay bukas na kamalayan ang ating mga mamamayan sa mga mapanlinlang at sa mga mapag udyok na mga programa at propaganda itong mga kaibigan natin sa city jail, kaya maganda na ang reception ng mga tao sa programa natin, marami na rin ang mga sumusuko, at itong panawagan ni RD na yun mga nariyan pa sa bundok at humahawak pa ng armas, ay bumaba na kayo, mas maganda nandito tayo sama-sama natuutlungan tayo para sa ikauunlad ng ating bayan,” ani Abellanida

Ipinaliwanag naman ni RAC Chair Ed Meneses ang mahalagang bahagi ng Regional Advisory Council na katuwang ng kapulisan na kinabibilangan ng iba’t-ibang pribadong sektor tulad ng Religious, LBTQS, Medical, media at iba pa, “Kami ang Tatay, Nanay at kapatid ng mga pulis, kami ang parang konsensiya ng kapulisan para alamin natin kung ano ang mga istratehiya na ginagawa nila at gina guide namin, nagbibigay kami ng suggestion kung ano yun pwede pa magawa, we are part also of reviewing the performance of the different provinces in the region, ang malungkot lang ay hindi na kami nakakaikot ngayon sa Cordillera dahil sa pandemiya, pero dati nakakaikot kami ay nire review namin ang performance ng bawat probinsiya tinitingnan namin kung naaayon yun sa performance govern na system na ini implement ng PNP, ito ang maganda may sinusunod na platform para maging maayos lahat, uniformed yun pag iimplement ng strategies ng pulis, ito ang role namin as Advisory Council,”

“Sa mga community relations ng mga pulis ay malaki na ang nai-ambag ng advisory council, in fact for the past how many years we have donated of more than 200 milyon worth of projects sa kapulisan, naging part rin kami lately sa BARANGAYanihan, sa palengke wherein we gave packages for the street-sweepers and kargador,”

“Natutuwa kami sa pagreresponde ng ating kapulisan sa ating mga recommendations advises kaya naging home of the most discipline police ang Cordillera” ani Meneses

Sa pahayag ni PNP Presscorp Cordillera president Bajo, “Nais rin namin makipag tulungan at kung paano  makatulong ang prescorp sa mga projects ng kapulisan, iyon naman ang gusto ng prescorp hindi lang sa mga coverage ng mga balita na manggagaling sa PNP o sa mga ginagawa nila, we would like also to join them na isabay yun grupo ng media dun sa mga projects na gagawin nila, ito ang support na puwede rin namin ibigay not only for the coverages,”

Ayon naman kay City Director Lonogan, “During my assumption yun ang sinabi ko sa mga station commanders that we should intensify our efforts on anti-criminality particularly on illegal drugs so, I gave the instruction to all station commanders to revitalize their station enforcement units, for more than two weeks as city director, they have delivered good accomplishments particularly on illegal drugs, we have accounted for 31 drug personality na nahuli, sabi ko sa kanila you concentrate more on High-Value Individuals bago yun mga street-level na pushers,”

“May community support program that is in partnership with the Arm Forces of the Philippines na counterparts,  tinatarget nila itong mga vulnerable sectors that are to be recruited nitong mga left-leaning organization natin and we have a very active PCR officer in the person of Col. Judy Palicos na nag organize ng iba-ibang sector na makatulong sa atin, ngayon ay tinutukan natin lalo na ang mga youth na vulnerable sa mga recruitment ng mga left-leaning organization,” pagtatapos ni Lonogan.   ###

Mario Oclaman