Mayor Dula invites tourists to boost tourism in Sagada, Mt. Province

Mayor Dula invites tourists to boost tourism in Sagada, Mt. Province

BAGUIO CITY – (August 9, 2022) Nabigyan ng pagkakataon makapanayam ng local media si First termer Sagada Mayor Felicito Dula na kung saan ay inamin nito na ang sitwasyon ng turismo sa Sagada ay bagsak sanhi ng dalawang taon pagtama ng pandemiya dahil sa Covid-19.

Sinabi ni Mayor Dula, “Nabanggit ko na down ang turismo sa Sagada dahil sa two years na nag lockdown tayo dulot ng Covid-19 ay malaki ang naging effect nito, nakita namin na nagbago na at mangilan-ilan na lang ang dumarayong turista sa lugar namin.”

“Naghahanap kami ng magandang paraan kung paano namin muli mapasigla ang turismo sa Sagada, inuumpisahan na namin ngayon para mai promote at maibalik muli ang dating dinadagsa ng turista,”

“With in my term nai lift ko na ang mga protocols from the past administration tulad ng kailangan na vaccine ka bago makapasok at sinuspinde ko na rin ang management fee para makagaan ng gastos sa mga turista at ang babayaran naman sa tourist site ay ang environmental fee na P100 per tourist,’

“Sa mga turista na may sasakyan ay may parking area ito at ang shuttle na lang ang magpi pic-up sa mga turista papuntang tourist site na gusto nilang puntahan upang maiwasan ang traffic,”

“Ang guide fee naman kung papasok sa cave ay P800 from 1 to 4 people dahil mahirap kung sosobra sa 7 to 10 baka hindi maaalalayan ng mga tourist guide,”

“Ang nakabukas na tourist site pa lang ay ang Eco-Valley, Marlboro Blue Soil Hills, Bomod-ok Falls, Sunrise at Hanging coffins as of now suspended pa lang ang Sumaguing Cave dahil sa mga aftershocks na nararanasan pa rin natin ngayon at para sa safety na rin ng mga turista, at pag-uusapan pa namin ito kung kailan na pwedeng buksan ngunit kailangan pa namin ito ma inspection,” ani Dula.

Mariin na inulit ang pag-anyaya ni Mayor Dula sa mga turista na pumasyal sa mga tourist spot sa Sagada upang anya makabangon at mapalakas ang turismo nang sa ganun ay matulungan ang mga tao sa kanilang kabuhayan.

Kasama si Former Sagada Tourism Officer Robert Pangod na tagapagsalita ni mayor Dula sa ginanap na ambushed interview sa Luisas Café, Session Road, Baguio City. # Photo by:  Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman