Matagumpay na Naidaos ang Ika-111 Regular na Pulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Pamantasan ng Bicol
Matagumpay na isinagawa ang Ika-111 Regular na Pulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF na ginanap sa Bicol University Board Room, Executive Center Building, Daraga, Albay noong ika-21 ng Nobyembre 2025. Pinangunahan ito ni Tagapangulo Marites A. Barrios-Taran kasama ang mga fultaym komisyoner na sina Dr. Carmelita C. Abdurahman at Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., at Nanunungkulang Direktor Heneral na si Jomar I. Cañega. Dumalo rin sina Komisyoner Reggie O. Cruz, Komisyoner Evelyn C. Oliquino, at Komisyoner Melchor E. Orpilla.
