Makasaysayang Lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan sa pagitan ng KWF, NCNDO, at NCNI

Makasaysayang Lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan sa pagitan ng KWF, NCNDO, at NCNI

Matagumpay na isinagawa ang Seremonya sa Lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Coordination Network of Deaf Organizations (NCNDO), at National Coordination Network for Interpreting (NCNI) sa layuning palakasin at paigtingin ang pagtataguyod ng Batas Republika 11106 o ang Filipino Sign Language (FSL) Act.

Sa panig ng KWF, lumagda ang Tagapangulo na si Atty. Marites A. Barrios-Taran kasama ang mga Fultaym Komisyoner na sina Dr. Benjamin M. Mendillo Jr. at Dr. Carmelita C. Abdurahman.

Kinatawan naman ng NCNDO si Kgg. Victoria Sakilayan, Vice-President ng Philippine Federation of the Deaf, habang sa NCNI ay lumagda si Kgg. Shirley Pinky Earnhart, Executive Director ng Philippine Registry Interpreter for the Deaf bilang kabilang panig ng unawaan.

Dumalo rin sa paglagda si Dr. Liza B. Martinez, Convenor ng Filipino Sign Language National Network para sa FSL Unit, bilang katuwang sa mas pinaigting na inisyatiba sa pagsasakatuparan ng mga adbokasiyang nakatuon sa FSL.

Layunin ng kasunduan ang higit na pagtibayin ang ugnayan sa mga nasabing institusyon upang maging masaklaw ang mga programa, proyekto, at polisiya kaugnay ng paggamit, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng Filipino Sign Language bilang opisyal na wika ng komunidad ng mga kasapi ng deaf community. ###

PRESS RELEASE