Magalong hangad ng iwasan ang tuligsaan bagkus hinamon si Marcoleta manguna labanan ang katiwalian sa kongreso

Magalong hangad ng iwasan ang tuligsaan bagkus hinamon si Marcoleta manguna labanan ang katiwalian sa kongreso

BAGUIO CITY – Naging mainit ang patutsada ni Sagip Partylist Congressman Rodante Marcoleta kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Kongreso.

Subalit hinamon na lang ni Magalong si Marcoleta na pangunahan laban kontra katiwalian sa kongreso.  “Anyway dun sa pagsasalita niya I can feel that he is passionate and a crusader himself siguro passionate din siya sa good governance, “ano kaya Congressman Marcoleta, why don’t you lead the good governance advocacy sa congress siguro yun ang pinakamagandang opportunity natin yan ang white silver lining natin,”

Naunang matapos batikusin ni Magalong ang mga mambabatas sa meron pa rin pork barrel funds subalit ayaw lamang aminin, inihayag ng alkalde ang pagbatikos sa naganap na Flag Raising Ceremony sa Camp Crame noong July 3, kung saan pinuna nito ang plano ng kamara na pagbayarin ng kontribusyon ang mga military at uniformed personnel para sa kanilang pension at hindi na kunin ang malaking pondo sa kaban ng yaman, giit ni Magalong umabot na sa 14.10 trilyon ang utang ng Pilipinas at sa harap nito ay ayaw pa rin bitiwan ng mga mambabatas ang kanilang pork barrel funds, hamon naman ni Marcoleta ay mauna anya si Magalong na I give up ang natatanggap na pension gayundin ang 2 milyon pesos na confidential fund na nakukuha nito.

“It’s useless, kung sasagutin uli natin, magkakasagutan lang yan mawawala tayo sa pokus dun sa ating advocacy na good governance,”

“Anyway nasagot ko na mga yan noong first interview, kaya siguro iwasan na natin kasi hindi naman yan ang direksiyon natin hindi yan ang talagang intension o purpose natin, ang objective natin is how to promote good governance, how to raise awareness among our constituents, among the people, among the masa para maintindihan nila kung ano ang effect ng corruption sa kanilang buhay, kung magsasagutan lang kami diyan mawawala tayo sa pokus,”

Ayon kay Magalong, hindi siya pinanghihinaan ng loob dahil nakakatanggap siya ng maraming suporta sa kanyang mga binitiwang talumpati sa Camp Crame.

“Ang sabi ko sa kanila, I’m not going to give up my advocacy to promote good governance to address corruption,”

“Ang nakakalungkot lang kasi nati twist “ay si Magalong tatakbong senado, aakyat na sa national government”  it’s not about Magalong, it’s about the fight against corruption, it’s about promoting good governance,”

Samantala, sa talumpati ni Marcoleta posibleng ipatawag ng kongreso si Mayor Magalong para sa imbestigasyon sa iba’t ibang kaso ng kurapsiyon. ### Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman