KWF, Ipinakilala ang Kahalagahan ng Baybayin sa Senate Bill No. 824 at Senate Bill No. 875

Inanyayahan ng Senado ang Tagapangulo ng KWF na si Atty. Marites A. Barrios-Taran bilang resource person sa pampublikong pagdinig hinggil sa Senate Bill No. 824 o Indigenous Writing Systems Act at Senate Bill No. 875 o Indigenous and Traditional Writing Systems Preservation Act. Dumalo rin kasama ang KWF Tagapangulo sa naturang pagdinig noong 3 Setyembre 2025 ang mga Fultaym Komisyoner na sina Dr. Carmelita C. Abdurahman at Dr. Benjamin M. Mendillo Jr. na nagpahayag din ng suporta sa mga panukalang batas.

Kasama sa mga larawan sina Senador Loren Legarda, NCCA Tagapangulong Victorino Manalo, NLP Direktor Cesar Gilbert Adriano, at. NCCA Deputy Executive Director for Administration and Support Services Marichu Tellano. Kasama rin sina G. Jose Jaime R. Enage, G. Wilbert Letrito, at G. Jaime Hernandez Jr. ng Baybayin Buhayin, Inc. at iba pang mga dumalo.

Ang ibang larawan ay kuha mula sa Senado ng Pilipinas.