KICKOFF COMELEC Checkpoints in Baguio City, peaceful despite pandemic

KICKOFF COMELEC Checkpoints in Baguio City, peaceful despite pandemic

BAGUIO CITY – Epektibo noong hatinggabi ng Ika-9 ng Enero 2022 ay nagsagawa ng malawakang COMELEC checkpoint operations ang Comelec personnel at PNP enforcers sa ilang pangunahin checkpoint sa lungsod ng Baguio, ilan sa mga na establish na checkpoints ay sa Marcos Highway, South Drive, Botanical, Leonard Wood Road at Bonifacio harap ng Saint Louis University.

Pinangunahan nina PROCOR Regional Director PBGEN. Ronald Oliver Lee, Baguio City Police Office City Director PCOL Glenn Degawan Lonogan, COMELEC-CAR Regional Director Atty. Ederlino Tabilas at COMELEC Baguio City Election Officer Atty. John Paul A. Martin ang inspeksyon sa lahat ng motorist bilang pagpapatupad sa mahigpit na pagbabawal ng pagdala ng baril sa mga hindi awtorisadong inidibidwal simula ngayon Enero 9, 2022 hanggang Hunyo 8, 2022 kaugnay ng 2022 National and Local elections sa Mayo 9, 2022.

Ayon kay, PROCOR PBGEN LEE, “Dahil ipinatupad na ngayon ang gun banned ay very strict na tayo mag inspect sa lahat ng motorist na papasok at palabas ng city kailangan lang sa lahat ng motorista ang maging panatag sumunod at partisipasyon natin sa mga police officers na nagsasagawa ng inspection para na rin sa ating protkesyon ito, at may mga permanent checkpoint tayo na patuloy magpapatupad ng inspection, ani PBGEN LEE.

Sinabi naman ni Comelec-CAR Director Tabilas, “Dapat na sundin ng mga motorista ang nasa batas na visual search lang at kung boluntaryo lang o kusa sa mga motorist na buksan ang kanilang compartment ng kanilang sasakyan ay pwede yun, pero kung tumanggi sila ay huwag ng pilitin, dahil karapatan nila yun, napansin natin na kaunti lang ang sasakyan siguro dahil nasa pandemic tayo ngayon at nasa alert level 3 pa ngayon ang Baguio City so, ito siguro ang dahilan na kaunti lang ang motorista na dumadaan,”

Ayon naman kay Comelec Baguio Election Officer Martin,”Kung sakaling nahulihan na may dalang firearms ang isang motorista ay may proseso ang proper disposition ng mga nahuhulihan na nag violate ng gun banned provision through our checkpoint, meron tayo preliminary examination to be conducted by our police officers before filing it to proper courts, medyo mabigat kasi yun parusa na mga mahuhulihan ng violation ng gun banned kasi may kaakibat rin itong pagkabilanggo ng at least (6) six years and may accessories penalties rin ito na hindi na sila pwede bumoto, hindi na pwedeng kumandidato na kahit anong appointed or elective position, ayaw natin mangyari yun, ang very purpose ng implementation ng gun banned ay para safe lahat ng ating mga botante from any violence or threats coming from whatever supporter by the candidates or even the candidates themselves at para mapanatili natin peaceful ang election,  ngayon pa lamang na start ng election period January 9 hanggang June 8 at itong checkpoint ay ginagawa natin para ma enforce yun firearms ban na ito, ayaw natin mahuli, gusto natin mag comply silang lahat sa provision ng gun ban, pero kung kinakaiangan I-enforce yun batas at may nahuli, sisiguraduhin natin na may kaukulang parusa yun mga violators,”

Sinabi naman ni City Director PCOL Lonogan,”Na maximize na natin yun pwersa ng kapulisan dito sa Comelec checkpoints, na deploy natin more than 600 PNP personnel from BCPO for this purpose na mag impose ng Comelec gun ban natin, maari natin dagdagan ang puwersa depending on the situation on the ground at tuloy-tuloy itong checkpoint natin, we have actually (9) establish permanent checkpoints that are manned by a BCPO 24/7 at maliban pa diyan may mga additional pa kami checkpoints na ini-establish dito sa gitna ng city, yun 9 na permanent checkpoints are checkpoints dun sa mga boarders natin na sa exit and entrance dito sa Baguio City.

“Panawagan namin sa mga motorista na maki-cooperate po tayo sa mga checkpoint, magbukas ng bintana, kung sabihin ng kapulisan na ipakita ang lisensya o buksan yun compartment ay nasa sa inyo rin yun pero ang sa amin lang ay kooperasyon lang itigil ang sasakyan at buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan at kung maaari lang sana ay huwag kayo magdala ng mga baril ninyo dahil ito ang ini-impose natin dito sa Comelec checkpoints ay yun gun ban vioalation,” pagtatapos ni CD PCOL Logan.  Mario D. Oclaman / FNS

Mario Oclaman