KAPIHAN MEDIA FORUM IN OBSERVANCE OF THE WORLD PRESS FREEDOM DAY

KAPIHAN MEDIA FORUM IN OBSERVANCE OF THE WORLD PRESS FREEDOM DAY

From left to right in front PIA-CAR Officer Joseph Zambrano, Romy Gonzales (DZRH), Jimmy Ceralde (GMA-7), Alfred Dizon (Northern Philippine Times), Sherwin De Vera (Northern Dispatch), Councilor Vladimir Cayabas, PIA-CAR Regional Director Helen Tibaldo, Mia Pascua(Baguio Chronicles) 2nd row Darius Bajo (GMA-7), Kimberly Quitasol,(PDI, Northern Dispatch), Aldwin Quitasol (Daily Tribune), Thom Picaña (Amianan Balita Ngayon), Councilor and Journalist Arthur Allad-iw, Frank Cimatu (Baguio Chronicle /Rappler), President of Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas Baguio-Benguet (ABS-CBN) Stephen Querubin. Charles Niko Limon (Regional Network Group)  Photo by: Mario Oclaman

BAGUIO CITY – (May 4, 2021) – PIA-CAR Regional Director Helen Tibaldo hosting the Kapihan sa Baguio goes to Baguio City Multi-Purpose Hall with Baguio Correspondents and Broadcasters Club President Aldwin Quitasol, Stephen Querubin from KBP and ABS-CBN, and station managers, editors, correspondents, reporters, and photojournalists.

The discussion is all about the media during amid the pandemic in line with the observance of the World Press Freedom Day this morning (Tuesday) May 4, 2021.

Pinangunahan ni Frank Cimatu ng Cordillera News Agency, Baguio Chronicle and Rappler ang opening statement kaugnay sa buhay at sitwasyon ngayon ng mga mamamahayag sa gitna ng krisis dulot ng pandemiya.

Bibigyan ng pagkakataon ang mga kasamahan sa media na magsalita upang magbahagi at dinggin ang kanilang mga hinaing at karanasan simula ng rumagasa ang krisis na coronavirus 19 na halos bumalot sa buong mundo at mahigit isang taon na natin patuloy na ikinababahala kung hanggang kailan pa magtatagal ang pandemiya na ito.

Bagaman sa buhay media ay una nitong pinuna ang mga survivors na pahayagan na nagpapatuloy sa kanilang operasyon upang makapaghatid pa rin ng mga impormasyon at balita para sa pag-update ng mga kaso at kaalaman tungkol sa COVID-19, Kahit sa kabila nito ay may mga pangamba rin nararamdaman ang mga mamamahayag ngunit dahil sa kanilang tapat na tungkulin para maiparating lamang ang mga totoong balita mga detalye at datos ng kaso ng COVID-19 sa mga tao na umaasa rin malaman ang mga totoong balita.

Newsstand sellers naman ang main concern ni Publisher Alfred Dizon ng Northern Philippine Times na kung saan ay dahil sa “road widening, road clearing law it’s a one hindrance also, we don’t even have a reporter here in Baguio because we have a lot of news stories coming from the city government, from the PIA, PNA. Kung may story from the PIA I try to get the side of the other party, I understand the PIA being the government agency they just have to air the programs of government also, so since it’s press freedom, we are mandated to look at all sides if possible, that’s we have to do, to make our stories credible,”

Isa rin sa mga problema na kinakaharap ng mga publishers ng newspapers ay ang mahirap makakuha ng mga commercials advertisements, itong COVID ay umaasa rin sa mga ordinances, legal notices may ilang weekly papers na nagbawas na ng pahina dahil sa kakulangan na ng advertisements.

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si BCBC President Aldwin Quitasol  sa mga kasamahang journalist na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kilalang daily newspaper, ang Sunstar Baguio at dahil dito masakit man tanggapin sabihin ang Happy World Press Freedom Day kung ang nakikita natin sa mga kasama ang nakakalungkot ng kanilang mga nararanasan katulad ng mga na displaced, (No work, no pay), may mga kasamahan rin nalalagay sa alanganin dahil sa paglalahad nila ng mga nangyayari nakakasuhan ng cyber libel at nare red-tagging rin, pero kahit paano ay may mga tumutulong pa rin na mga farmers, at ilang individuals organization, associations na nagbibigay ng mga ayuda at food packs.

Dahil na rin sa mga restriction ng IATF na mahigpit pa rin pinapatupad ang physical distancing, health protocols at mass gatherings ay naging malimit na rin ang mga pagko cover at pa prescon ng iba’t ibang line agencies kaya ginagamitan na lang ng virtual meetings at web conferencing service, dahil dito ay naging trending ang mga bloggers at sa online news.

Tinuon naman ni Kimberly ang usapin tungkol sa “economic, red-tagging, cyber libel, political attacks, online tax, ito ang isa sa mga bago ngayon panahon lumala dahil kahit ang migration ay may online, kahit na hindi lahat ng major print broadsheets natin may sarili ng online, meron na tayong sariling mundo na kailangan aralin, hindi pa rin natin alam kung gaano kalakas ang signal sa mga provinces medyo mahihirapan at kung magre-rely lang tayo sa online para to inform the greater wider Cordillera medyo mahihirapan tayo kung online na lahat.

May mga pag discredit rin sa mga media outlets, sa mga media personalities lalo na kung ang naratibo o ang kwento na inilalabas ay hindi naaayon sa gusto nilang naratibo ng estado. Ito ang isa sa mga challenge kailangan kahit papaano pa rin tayo manatiling nagbibigay ng tama at makatotohanan at relevant na information sa ganitong panahon na mas kapado nila ang online, kailangan ng matagalang paliwanagan para maintindihan.

May mga challenges sa online bukod sa technical yun hindi nare-reach maraming areas na walang matinong signal pero yun concentration ng opinion makers at concentration ng political power ay nasa cities and town center so nagma matter pa rin yun online,”  

Nagpahayag rin ng mga mensahe sina councilor Vladimir Cayabas at Arthur Allad-iw sa patuloy na pagsuporta bilang partner na nagtataguyod ng mga pawang makatotohanan at malayang pamamahayag sa lungsod matapos marinig ang mga hinaing at karanasan  na ibinahagi ng mga mamamahayag.   Mario Oclaman / FNS

Mario Oclaman