Information, Education, and Communication activity for grade school students

Sa Mountain Province, personal na pinangunahan ni PCOL RUBEN B ANDISO, ang Provincial Director ng Mt. Province PPO, ang isang Information, Education and Communication (IEC) activity at Feeding Program para sa mga mag-aaral ng Bagnen Oriente Elementary School noong Hunyo 14, 2022.

Ayon sa Mt Province PPO, tinalakay ng mga kapulisan sa nasabing IEC activity ay ang sexual abuse prevention, substance abuse prevention at road safety tips.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni PCOL ANDISO ang mga mag-aaral na maging masikap at matiyaga sa pag-aaral upang makamtan nila ang kanilang pangarap sa buhay.

“To be the best pencil, you must allow yourself to be held and guided by the hand that holds you,” dagdag pa ni PCOL ANDISO.

Nagtapos naman ang programa sa pagbibigay ng mga school supplies sa 115 na mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6 ng nasabing paaralan. Sila rin ay nagsalu-salo sa pagkain na ihinanda ng kapulisan ng Mountain Province. (PROCOR-PIO)