Drayber ng motorsiklo patay, matapos makaladkad ng Elf truck sa Kalinga

Calaocan, Rizal, Kalinga – Nakalulunos na pangyayari ang naganap na aksidente sa kahabaan ng Cagayan-Kalinga noong ika-17 ng Agosto bandang alas dose kinse ng tanghali. Isang motorcycle ang bumangga sa Elf truck

.Ayon sa salyasay ng rumisponde, inihayag sa pagsisiyasat na ang dalawang sasakyan na Elf truck at motorsiklo ay binabagtas nito ang national road ng Cagayan-Kalinga na opposite direction. Di umano’y biglang sumingit ang motorsiklo sa tapat ng linya ng kalsada na dito ay nabangga ang kanang gilid harapan ng Elf truck na naging sanhi ng pagkaladkad nito ang motorsilko sa layo ng 20 metro.

Idineklarang Dead On Arrival na ng madala sa RHU-Rizal ayon kay Dra. Brendalyn Sebastian sanhi ng maraming pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Dinala ang labi ng biktima sa TAMPCO Funeral Homes, Bulanao, Tabuk, Kalinga.  Ang drayber ng Elf truck at ang dalawang sangkot na sasakyan ay dinala sa Rizal MPS para sa proper disposition.

Kinilala ang pangalan ng biktima na si ROY SANDOVAL y ACERIT, 57 y/o married, unemployed and a resident of Liwan West, Rizal, Kalinga.

Ang biktima ay kinilala ng kanyang pamangkin na si Rachel Duque y Javier, 36 y/o, married, Barangay treasurer and residents of Liwan West, Rizal, Kalinga, said person was under medication for a mental health problem.

Ang motorsiklo ay isang EURO Motorcycle color black/white na may plate number BF 28552.

Kinilala naman na ang driver ng Elf truck (plate number NBT-6134) ay si Angel Bajarin Agpawa, 20 y/o, single, driver, nakatira sa Naneng, Tabuk,  Kalinga.   Mario Oclaman / FNS

SOURCE: RD, PRO COR Command Duty Officer