Celestino Family, maswerte na napili ng BCBC para sa Lucky Summer Visitors 2025

In Photo: The Seven Lucky Summer Visitors 2025 is a one happy family of Celestino featured at the Peppot Media Camp of BCBC. Photo by Mario Oclaman
BAGUIO CITY, (April 17, 2025) – Huwebes Santo, alas-singko ng umaga ay nagkatipon na sa Peppot Media Camp ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) ang mga kinatawan ng City Tourism Office, DOTr-CAR, Land Transportation Office sa pangunguna ni R. Tubiana na tumulong para mag escort sa daan, Representante sa tanggapan ni Vice-Mayor Faustino Olowan, personnel ng M.Lhuillier, BCBC officers pinangunahan ni President Dionisio Dennis, Tour Team Charles Limon, Darius Bajo, Freddie Rulloda, Grace Espino at mga interns para mag almusal bago magbiyahe papuntang Flying V Gas Station, Pugo, La Union na kung saan para sa paghanap ng Lucky Summer Visitors.


Sa pang siyam na Victory Liner bus na may plate number NAZ 2113 napili ang isang pamilya na unang beses pa lamang makakapasyal sa Baguio City.
Maswerte ang Pitong indibidwal, kabilang ang isang tatlong taong gulang na bata ang napili bilang Lucky Summer Visitor 2025.

Ang “Lucky Seven” ay ang pamilyang Celestino mula sa Pasig City ay sina Ricardo Celestino Jr., 62, isang Karpintero, Carolyn Andres Celestino, 57, isang dedikadong maybahay, kasama nila ang kanilang mga anak na si Julia, 11, at pamangkin na si Eunice, 13, na parehong mag-aaral, Jellyn Bautista, 31, empleyado bilang admin assistant, at Jerome Celestino, 30, isang customer service representative, kasama rin ang kanilang 3-anyos na pamangkin na si Eugin.




Ang Pugo Mayor Kurt Walter Martin ay kinatawan ng Municipal Information and Tourism Officer na si Evelyn L. Takio sa kanyang kahalili. Si Takio ay nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa BCBC para sa patuloy na tungkulin nito sa pagpapalakas ng lokal na turismo at espiritu ng komunidad, na itinatampok kung paano nakakatulong ang mga programang ito na ipakita ang mayamang kultura at mga handog sa pakikipagsapalaran ng Pugo.



(Mayor Benjamin Magalong gave a simple token to Ricardo Celestino Jr., and photo ops with the Celestino family)
Mula sa Pugo, ay tinungo naman ang Tuba Municipality, Benguet, kung saan naghihintay si Mayor Clarita Sal-ongan para salubungin ng mainit na pagbati at ipakilala sa mga officials ng munisipalidad ng Tuba ang pitong mapalad na LSV.
Naunang ipinasyal ng BCBC offiers ang mga bisita sa Lion’s Head, Kennon Road, at nagpakuha ng litrato.

Sinalubong ng mga panauhiln sa Peppot Media Camp sa pangunguna ni Baguio Tourism Council Chairman Gladys Vergara ang mga LSV at nagkaroon ng short prescon.
Matapos ang pananghalian ay sinamahan ng BCBC Officers ang 7 LSV kay Mayor Benjamin B. Magalong para mag courtesy call.

Sa Supreme Hotel ang libreng matutuluyan ng mga LSV para sa apat na araw na itinerary na eksklusibong paglilibot sa mga kultural site at eco-adventure sa Baguio at ilang bahagi ng Benguet. # Mga larawang kuha ni Mario Oclaman