Bila-bila festival 2025 pinasinayaan sa Upcycled Canvas painting at Thousand Butterfly Release

Bila-bila festival 2025 pinasinayaan sa Upcycled Canvas painting at Thousand Butterfly Release

Boac, Marinduque – Nagsimula nang mamukadkad ang mga gawain para sa Bila-bila Festival ngayong buwan ng pambansang pamana. Noong Mayo 16 ay nagkaroon na ng paligsahan sa upcycled canvas painting sa Moriones arena at nitong Mayo 19 ay unang anibersaryo ng Butterfly Farm Tourism Village sa pamamagitan ng pagpapalipad ng isang libong bila-bila.

Sa Martes, Mayo 20 ay magsisimula ang pagkilatis ng mga inampalan sa Mga Bila-bila at Bulaklak sa Tahanan at Gusaling Boakeño at may talakayan sa Marinduque-Romblon area ng National Museum tungkol sa “Marinduque’s Bila-bila on Butterfly Sustainability.”

Tuloy-tuloy hanggang Miyerkoles, Mayo 21 ang Lipad Bayan ng Boac, Carry On (Kite Flying Contest) sa Boac Sports Complex. At ang pinakatampok na gawain ay ang Bila-bila Festival Streetdancing Competition at Bila-bila Festival Group Presentation kasabay ng anunsiyo ng mga nanalo sa paligsahan sa Bila-Bila Festival sa Mayo 23, Biyernes.

Bumisita din ang Department of Trade and Industry assistant secretary, Dr. Leny Taruc-Balutot, mula sa DTI Bureau of Competitiveness and Innovation para Grand Release of Butterflies at Anniversary ng Butterfly Farm Tourism village. Kaugnay nito, magkakaroon din ang DTI Negosyo Center sa Santa Cruz ng Reel-in Your Success webinar sa Mayo 21 para sa mga content creators sa lalawigan maging rehiyon ng Mimaropa.

Ang buwan ng Mayo ay tradisyonal na para sa Santacruzan, anihan at mga pista ng mga katolikong patron. Kaugnay nito ang Buwang ng Pambansang Pamana at paglipat mula sa Disyembre 8 ang Pista ng Imakaluda Konsepsyon ng Bila-bila Festival tuwing buwan ng Mayo. ###

PRESS RELEASE