Kasunduan para sa Sentro ng Wika at Kultura

Pormal na nilagdaan ngayong 1 Hunyo 2026 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng Benguet State University (BSU) ang pagpapanibago ng kanilang kasunduan para sa pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga programa at gawain ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa unibersidad.
Kumakatawan sa KWF bilang unang panig si Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, kasama si Komisyoner Carmelita C. Abdurahman.
Samantala, kumakatawan naman sa BSU bilang ikalawang panig sina Dr. Kenneth A. Laruan, Pangulo ng BSU, at Dr. Janet B. Mede, Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino.
Dumadalo rin sa nasabing gawain si Komisyoner Ruth M. Tindaan, Komisyoner para sa mga Wika ng Kahilagaang Pamayanang Kultural ng KWF. #
