FGD, Isinagawa ng KWF para sa Pagbuo ng Korpus at Glosaryo ng Wikang Iranún

FGD, Isinagawa ng KWF para sa Pagbuo ng Korpus at Glosaryo ng Wikang Iranún

Isinagawa noong 4–7 Mayo 2026 sa Lungsod ng Cotabato ang Focus Group Discussion (FGD) kaugnay sa pangangalap ng datos para sa bubuoing korpus at glosaryo ng wikang Iranún.

Nakiisa sa gawain ang mga kinatawan mula sa Opisina ng Speaker, Opisina ng Kalihim Heneral, Opisina ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs (MIPA), at LTAIS-Translation and Interpretation Division (TID) na naging pangunahing katuwang din ng KWF sa pagsasagawa ng gawain.

Nakibahagi sa isinagawang FGD ang ilang pilíng kinatawan ng mga Iranún mula sa kani-kanilang heograpikong representasyon. Mula sa KWF, dumalo sa nasabing gawain sina Dr. Sheilee B. Vega (Chief Language Researcher), John Lerry C. Dungca (Senior Language Researcher), at Johnly O. Diolata (Lexicographer/Researcher). Layunin ng isinagawang FGD na makalikom ng datos para sa dokumentasyon ng mga pasalitang korpus ng wikang Iranún na magagamit sa pagbuo ng iba’t ibang materyales at magiging sanggunian para sa higit pang preserbasyon at pagpapayaman ng kanilang wika sa komunidad.

Ang pagbuo ng korpus ng mga wika ng Pilipinas ay bahagi ng patuloy na gawain ng Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas (SLKP) ng KWF. #

PRESS RELEASE