๐Š๐–๐… ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  Gฬ“insรซlugฬ“รซn Subฬ“anรซn

๐Š๐–๐… ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  Gฬ“insรซlugฬ“รซn Subฬ“anรซn

Isang taimtim at sagradong katutubong ritwal at paggupit ng laso ang naging hudyat sa pormal na pagbubukas para sa presentasyon ng paglulunsad ng Ortograpiyang Gรฏnsรซlugรซn Subanรซn noong 13 Mayo 2026, sa Mababang Paaralan ng Migsale, Bonifacio, Misamis Occidental.

Ang sagradong ritwal na isinagawa ng mga nakatatanda sa komunidad (IP Elders) ay naglalayong humingi ng patnubay, pagpapala, at pagpapakita ng paggalang sa mga ninuno para sa tagumpay ng pagtitipon.

Personal na naging saksi at nakiisa sa seremonya ang Komisyon sa Wikang Filipino sa pangunguna ni Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, kasรกma sina Dr. Carmelita C. Abdurahman, Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto, Bb. Marian Regina B. Taran, Executive Assistant IV, Dr. Jose Evie G. Duclay, Linguistic Specialist, at G. Christian DS. Nayles, Assistant Language Researcher, mula sa KWF.

Ang Ortograpiyang Gรฏnsรซlugรซn Subanรซn ay magkatuwang na binuo ng ibaโ€™t ibang samahan, ahensiya, at organisasyon na inilambag sa ilalim ng KWF Aklat ng Bayan.

Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon, at Promosyon (SLPP) ng KWF na naglalayong paigtingin ang dokumentasyon, pagpapaunlad, at pagsulong sa paggamit ng mga katutubong wika sa Pilipinas. Inaasahang ang mabubuong mga ortograpiya ay magsisilbing mahalagang sanggunian ng komunidad at magiging epektibong midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, lalo na sa konteksto ng edukasyong multilingguwal. #

PRESS RELEASE